10-ANYOS NA BATA, NAGLALAKAD GAMIT ANG KANYANG MGA KAMAY UMANTIG SA PUSO NG MGA NETIZEN

Local, ofw news

Normal sa atin mga tao ang maglakad gamit ang mga paa, ngunit may isang bata sa Davao Oriental ang umantig sa puso ng maraming netizen dahil naglalakad ito ng pabaliktad o gamit ang kanyang mga kamay.

 

Panoorin: 10-taong gulang na Batang lalaki sa Davao, Naglalakad Gamit ang Kamay Umantig sa Puso ng mga Netizen

 

Ayon sa magulang ng bata nadudurog ang puso nila pag nakikita nila ang sitwasyon ng kanilang anak na si Ralp, hindi kasi maiwasan na ma-bully ito sakanyang kapansanan dahilan para mawalan siya ng gana sa pag aaral at ng pagiging mahiyain ng bata.

 

“Naiinggit ako sa ibang bata kasi nakakalakad sila nang normal, nakakatakbo. Nakakapaglaro sila kasama ng ibang mga bata.

Habang ako, ganito nakakalakad lang kapag nakabaligtad ang sarili.

 

Lagi kong tinatanong kay Mama, ‘Bakit ako ganito? Bakit hindi ako katulad ng ibang bata?’

 

Madalas, inaasar ako ng ibang mga bata sa eskuwela. Tinatawag nila akong lumpo.

 

Kaya lumalayo na lang ako.

 

Nakakawalang gana pong mag-aral kung minsan. Pero sabi ko sa sarili ko, gusto kong mag-eskuwela para matupad ang pangarap ko. Gusto ko pong maging abogado.” Ani Ralph.

 

“Tatlong taong gulang siya nu’ng nagsimula niyang gamitin ‘yung mga kamay niya sa paglalakad.

 

Palagi niya akong tinatanong, ‘Ma, bakit hindi ako katulad ng ibang bata? Bakit sila marunong na maglakad at tumakbo?’

 

Sinasabi ko na lang sa kanya na, ‘Tanggapin mo na lang, Ralph. Wala kasi tayong pera pampagamot.’

Nakakaiyak kasi wala akong magawa para sa anak ko.

 

Sinasabi ko sa Panginoon na sana tumagal pa ‘yung buhay naming mag-asawa para maalagaan namin si Ralph.

 

Kahit mahirap, kailangan naming tatagan ‘yung loob namin para kay Ralph.” nanay Alma

 

akakawalang gana pong mag-aral kung minsan. Pero sabi ko sa sarili ko, gusto kong mag-eskuwela para matupad ang pangarap ko. Gusto ko pong maging abogado.”

 

Para sa mga nais tumulong kay Ralph, maaaring magdeposito sa:
BANCO DE ORO MANAY
ALMA MAMUSOG
Account number: 040630045119