102-Anyos Na Lolo, Naglalako Pa Ng Hinabing Duyan At Bayong Para Ibuhay Sa Sarili

Local, ofw news

Sabi nga nila, kalabaw lang ang tumatanda. Parang totoo iyan sa kalagayan ni Tatay Tony Villanueva na mula sa Brgy. Rizal, Babatngon, Leyte.

102-Anyos Na Lolo, Naglalako Pa Ng Hinabing Duyan At Bayong Para Ibuhay Sa Sarili

Sa edad na 102, si Tatay Tony ay nakakapaghabi pa ng bayong at duyan na siya namang inilalako niya sa mga bahay-bahay at ibinebenta.

Hindi din pangkaraniwan ang lakas niya dahil ang mabigat na duyang ginawa niya ay binubuhat naman niya para ibenta sa bayan nila. Kung sa ibang matatanda, hindi na angkop ang ganito kabigat na mga trabaho.


May mga netizen naman ang nag-react kung bakit nagtatrabaho pa rin si Tatay Tony sa kabila ng kaniyang edad. Anila, pananagutan ng mga anak ni Tatay Tony na alagaan at paglaanan siya. Sa edad niya, humihina na ang mga buto niya at baka magka-injury pa ito dahil sa trabaho niya.

Gayunpaman, mukhang si Tatay Tony mismo ang nagnanais na gumawa nito. Marahil, ayaw niyang isipin na wala na siyang silbi sa pamilya niya kaya naman kayod pa din si Tatay sa nakagawian niyang trabaho noon pa man.

Hinihikayat naman ng netizen ang pamilya ni Tatay Tony na beripikahin ang tunay na edad niya para makuha niya ang kaniyang benepisyong 100,000 piso para sa matatanda natin na umabot na sa edad na 100.

Lolo me mkukuha kng 100k sa munisipyo sa dswd.kc lagpas na ngv100 edad mo.pra mkpagphinga kana.sana me bumili na nyang dala mo.god bless syo lolo.

Napakasakit isipin na lolo matanda na kayod parin sana may makatulong mn sa kanya ingat lolo ?