2 kawawang paslit, hindi na halos makilala dahil sa matinding sinapit mula sa kamay ng kanilang madrasta!

Local, ofw news

Agaw pansin ang post ni Michael Pobadora Rosario sa kanyang Facebook kung saan humihingi ito ng tulong para sa mga bata na diumano ay nakaranas ng di maganda sa kanilang madrasta.

Ayon pa sa post ng concern netizen na matagal na raw ito nangyari at ngayon lang sila nakapag sumbong kung di pa ito nakatakas sa mahaderang madrasta.

Nag-uumapaw ang luha at galit na galit ngayon ang libo-libong netizens sa social media dahil sa viral Facebook post ng isang lalaking nagngangalang Michael Pobadora Rosario ng Quezon CIty tungkol sa dalawang batang binubugb0g di umano ng kanilang madrasta o “stepmother”.

Ito ay matapos niyang ibahagi sa kaniyang post ang mga litrato at mismong video ng dalawang paslit na kalunos lunos ang kalagayan.

Kitang kita sa video ang dami ng sugat pati na rin ang mga baling buto ng magkapatid. Ayon sa kanilang pagsasalaysay, mula pa nuong nag simula ang lockdown, Marso nuong nakaraang taon ay nagsimula na rin ang kanilang mapait na karanasan, mula sa kanilang madrasta.

Ayon kay Michael, mabuti na lang at nakatakas ang batang lalaki upang makapagsumbong sa knilang mga kamag-anak.

Habang tinatanong ang batang lalaki, sinabi niya na ang mga sugat sa ulo ay bunga ng pagpal0 sa kanila ng batuta, ganun din ang mga pasa sa kaniyang braso at binti. Ayon sa kaniya ang mga ito ay nakuha sa pagtatangka niyang salagin at pigilan na [email protected] ang batuta sa kaniyang ulo.

Bukod sa mga sugat at pasa na ito, ang kanilang bibig na halos hindi na normal ang hitsura ay bunga naman ng pagpal0 ng bote direkta sa kanilang bunganga.

Kapansin pansin din ang mga namamagang tainga ng mga bata, dahil din sa pagkakapalo ng batuta.

Isa pang ipinakita ni Michael ang mga daliri sa dalawang kamay na halos hindi na maitiklop ng maayos, dahil sa pinuwersa itong baliin ng nasabing madrasta ng ng dalawang kaawa-awang mga paslit.

Pa share guys at pa help na matulungan ang mag kapatid na ito na binubugbog ng kanilang madrasta, Grabe sinapit nila sana managot itong babae na gumawa sa kanila ng ganto, 1 year na pala ginawa ang pang totorture sa kanila buti at nakatakas kahapon yong lalaki at nakapag sumbong sa mga kamag anak.

Sa mga nais po tumulong kahit maliit na bagay sobrang laki na po bagay para sa kanila at maraming salamat asahan ninyo po na makakarating sa mga bata eto Gcash # nila 09353887255