2 patay sa nasunog na bus sa Commonwealth QC, pasahero tinukoy na suspek

Local, ofw news

Dalawa patay matapos masunog ang isang bus sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Ayon sa ilang pasahero, nag-away ang konduktor ng bus at isang pasahero, sinabuyan umano ng gas ang konduktor at biglang sinindihan dahilan para madamay ang buong bus. |

Patay ang konduktorang si Amelene Sembana at isang hindi pa kilalang lalaki, ayon sa inisyal na ulat ng QC Bureau of Fire Protection.

Ayon kay Valentino Obligasion, 45, driver ng Fairview Bus na may plate number NAL 6673 at body number 1606, may binuhos ang isang lalaking pasahero sa kaniyang konduktora na naging sanhi ng pagliyab.

“May nakaaway po yung konduktor na pasahero… Nung nakita na lang po, tumatakbo na yung konduktor ko, sinindihan siya nung pasahero… Dun na po nag-umpisa ang sunog,” ani Obligasion.

Binuhusan ng lalaki ang konduktora ng hinihinalang gaas na nakalagay sa isang maliit na bote, ayon naman sa pasaherong si Jennifer Lutao.

Aktwal Video ng Pågkåsµnog ng Bus sa Fairview

“Nagbabangayan sila eh. Sabi ng lalaki ‘ano sabi mo, ano sabi mo?'” kuwento ni Lutao.

“Tinulak nitong kaaway niya papunta dun sa dulo, sa amin. Nung tumayo yung konduktura, inandihan niya na yung kaaway niya, yung pasahero. Sapakan na sila, suntukan.”

Binuksan ng driver ang pinto nang mangyari ang sunog, ayon kay Gemma Acanto, pasaherong nakasakay sa harap ng bus.

“Binuksan ng driver yung pinto, tumalon na po ako, kasunod ‘yung driver,” aniya.

Ito naman ang reaksyon ng mga netizens:

Delco Eguia Pizarras Time to regulate emergency exit to all buses. Old design has two doors but the new has only one.

Venus Tamina Dela Cruz sana lumabas nalang sya dun sa likod, dun magagasgasan lang at list buhay ka, kawawa naman condolence po sa Family nung dalawang namatay

Richs Topher Marami po kaming naisalba..ayaw kasi lumabas yung isang biktima kanina..yung ibang pasahero binasag namin ang salamin sa likod, doon namin pinadaan mga tao

Angelica Gamba Ang nangyari po diyan, nagaway ang pasaherong lalaki at kondoktora. binuhusan ng gaas ng pasahero yung kondoktora tapos sinilaban niya. pati yung pasahero sinilaban niya sarili niya. yang 2 namatay sila din yon. the rest nakaligtas. based po yan sa interview sa driver ng bus.

Richard P. Relasan dapat yong mga bus na loma na faceout na yan ang dahilan ng aksidente kaya panahona tanggalin na yan sa kalsada para hindi n maulit yong mg pangyayari