7-Anyos na Anak, Mag-isang Inaalagaan ang Kanyang Paralisadong Ama Matapos Iwan ng Kanyang Ina

Local, ofw news

Isa sa pangarap ng mga magulang ay mabigyan ng maayos na buhay ang kanilang anak. Mapalaki ng maayos, mabihisan ng magagandand damit, mapag-aral, mapakain ng tatlong beses sa isang araw, ilan lamang ito sa mga gustong mangyari ng mga magulang sa kanilang anak.

7-Anyos na Anak, Mag-isang Inaalagaan ang Kanyang Paralisadong Ama Matapos Iwan ng Kanyang Ina

Ngunit, tila nagbago at umikot ang mundo sa mag-ama na ito. Imbis na ang ama ang nagsusubo at nagpapakain sa kanyang anak, ay siya ang pinapakain at inaalagaan ng 7-anyos niyang anak.

Dahil paralisado na ang ama na si Tongming matapos na magkaroon ng !njury sa likod kaya hindi na ito magawang lumakad. Hulyo 2013 nang mahulog mula 2nd floor sa isang bahay ng under constraction si Tongming.

Habang nakahiga ang kanyang ama, maagang gumigising si Yanglin upang alagaan ang kanyang ama. Si Yanglin ay natuto ng mamalengke simula ng Grade 1 pa lamang ito. Residente ang mag-ama sa Wangpu, Guizhou Province, Southwest of China.

Nang lumayas ang ina ni Yanglin, sinama nito ang isa niyang babaeng kapatid. Umalis umano ang ina kasama ang kanyang kapatid matapos maubos ang naipon nilang pera dahil sa pang gamot ng kanyang ama na si Tongming.

Natuto din si Yanglin sa mura niyang edad na kumita sa sarili niyang sikap. Pagkatapos niyang mag-aral ay naghahanap ito sa bangketa ng mga bagay na pwede niyang ibenta. $4 o P200 ang kinikita niya kada araw at iniipon niya ito maging ang $44 o P2225 monthly disability benefits ng kanyang ama.

My father needs medicine but I don’t have money,” sinabi pa ni Yanglin.

Si Yanglin na din ang naglalagay ng gamot sa likod ng kanyang ama. Kaya naman gusto na ni Yanglin na lumaki na agad upang makapag-ipon siya ng mas malaking pera para sa pang gamot ng kanyang ama.

Marami naman ang naantig sa kwento ng mag-ama kaya naman marami ang nag abot ng tulong para sa kanila.
7-Anyos na Anak, Mag-isang Inaalagaan ang Kanyang Paralisadong Ama Matapos Iwan ng Kanyang Ina
Nakakamangha ang pagmamahal ng 7-anyos na batang ito sa kanyang paralisadong ama.