90-Anyos na Lola, Umaasa Lamang sa mga Pagkain na Napupulot sa Daan Para Maitawid ang Pang Araw-araw na Buhay!

Local, ofw news

Namumulot ng pagkain ang 90-anyos na Lola na ito para may makain sa araw-araw

Mabilis na kumakalat sa social media ang mga balita at mga kaganapan sa loob at labas ng ating bansa. Nababalitaan din natin ang ilan sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Kaya naman, sa tulong ng social media o internet ay mas napapagaan ang paghahanap at pagbibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong at iba pa.

Marami na tayong nakikita sa social media na nakakalungkot na pangyayari gaya ng matatanda na lubhang nakakaawa. Isa na rito ang 90-anyos na lola na kinilalang si Lola Lucin. Ayon sa concerned netizen na si Jun Butac, nakatira umano si Lola Lucin sa Maanteng Solsona, Ilocos Norte.

Ibinahagi ni Jun ang nasaksihan na sitwasyon ni Lola Lucin. Naantig at nag-alala si Jun kay Lola Lucin kaya inupload nito ang ilang larawan ni Lola Lucin sa social media at nagbakasali na may mag-abot ng tulong kay Lola.

Sinabi niya sa kanyang post na sa likod ng larawan ni Lola Lucin ay talagang hirap ito sa buhay na dahilan kung bakit namumulot na lamang siya ng kanyang makakain o ‘sinaklob’ ang kanyang ulam at pinagkakasya na lamang niya sa buong araw at tinitipid na lang niya ito.

Mag-isa na lang din sa buhay si Lola Lucin kaya naman sa kabila ng kanyang edad ay wala siyang ibang pagpipilian kundi magtiis na humanap ng paraan upang makakain at makaraos sa pang araw-araw.

Dahil sa social media ay mabilis naman na nabalitaan to ng ilang mga tao na handang tumulong kay Lola Lucin. Isang Ma’am Rona umano ang nagpatulong na matunton si Lola Lucin upang magbigay ng tulong dito.

Lubhang nakakalungkot ang sitwasyon ni Lola Lucin. Kaya naman, nang may mag-abot sa kanya ng tulong ay napangiti naman si Lola Lucin. Isang biyaya na sa kanya ang may magbigay ng tulong.