Ama na napagkakamalang magnanakaw, walang mahanap na mauupahang bahay at trabaho para pangtaguyod sa mga anak

Local, ofw news

Madali para sa tao ang manghusga para sa kaniyang kapwa kahit pa hindi naman nila alam ang tunay na nangyari at lalong hindi naman din alama ng buong pagkatao at istorya ng biktima ng panghuhusga.

Kagaya na lamang ng kwento ng isang ama na ito na pilit binubuhay ang kaniyang mga anak.

Pinagbibintangang magnanakaw dahil sa estado ng buhay ngunit bilang isang marangal na ama, nais niyang maging mabuting halimbawa sa kaniyangmga anak nang sa gayon ay matutunan nito ang mabuting asal.

Ang vlogger na si Denso Tambyahero ay nakita ang mag aama sa gilid ng kalsada ng Dela Rosa, Makati City.

Doon ay nailahad ng amang nakilala bilang si Johnny ang mapait na istorya ng kaniyang buhay. Siya na lamang ang bumubuhay sa kaniyang dalawang anak pagkat iniwan na siya ng kaniyang asawa.

Hindi sila pinagbibigyang mangupahan dahil palagi siyang pinag kakamalang magnanakaw kaya naman nakikisilong na lang sila sa isang convenient store sa tuwing umuulan.

Maging trabaho ay hindi siya pinag kakatiwalaan kaya naman pangangalakal lang ang kaniyang pinagkukuhanan ng pera pang kain at pang tustos sa mga anak.

Nais niya daw sana na mapag aral ang mga ito kahit hanggang highschool man lang. Nangako siyang igagapang niya ang pag aaral ng dalawa hanggang sa kaniyang makakaya.

Labis na pagkalungkot ang nadama ng vlogger kaya naman nag desisyon itong mag-abot ng tulong sa mag-aama. Ibibili ito ng mga gamit ng bata at pagkain at puwedeng paninda upang sila ay may maging negosyo.

Sana magtrending nang husto para may maka panuod at matulungan sila. Lord plss bless then