Ama, Nahilo sa Pagod sa Paglalako at sa Pag-Buhat sa kanyang Anak

Local, ofw news

Isang Ama ang nahilo dahil sa pagod dahil buhat na nito ang kanyang paninda ay pasan niya pa ang kanyang anak dahil wala umanong magbabantay dito dail may sakit ang ina nito.

Maraming beses sa buhay na sinubok tayo ng panahon. May mga pinagdadaanan pero patuloy pa din sa paglaban, nadadapa man ay bumabangon pa din. Kagaya ng mga haligi ng tahanan, bilang isa ama, gagawain nila ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Magbabanat ng buto upang mabuhay at may ipangkain sa kanyang pamilya.

Tulad na lamang ng isang ama na ito, sa kalagitnaan ng kanyang pagtitinda ay bigla siyang nakaramdam ng paghilo at nahimåtay. Siguro ang dahilan ng kanyang pagkahilo ay pagod at init na iniinda niya makapagtinda lamang. Isa pa dito, makikita sa larawan na may karga din siya- ang kanyang anak.

Siya lamang ang mag-isang nagtataguyod ng kanyang pamilya dahil ang kanyang misis ay nasa bahay at nagpapahinga dahil may karamdaman ito.

Sa kabilang banda, may mabubuti pa ding puso ang handang tumulong sa kanilang kapwa. May ilang netizens ang tumulong sa ama na ito at nagbigay ng gamot para sa panglunas ng kanyang karamdaman.

Ayon pa sa ama, kahit anong hirap daw ay titiisin niya para lang mabuhay ang kanyang pamilya at hindi niya ito magagawang pabayaan. Itataguyod niya kahit na mag-isa sa marangal na paraan.

Sa pagsusumikap itaguyod ng Ama na ito ang kanyang pamilya, buhat niya ang kanyang anak sa paglalako dahil may sakit ang kanyang asawa