Babae na pumunta sa kapitbahay para makipag-tsismis, naipit ang uIo sa bakaI na gate sa loob ng 5 oras

Local, ofw news

Mas mabuti pa nga kung minsan na huwag na nga lang siguro tayo makialam o makisali sa mga usapan at ginagawa ng ibang tao sa ating paligid para narin umiwas sa maaring kapahamakan o problema.

Katulad na lang ng nangyari sa isang kapitbahay na ito na sinusubukang subaybayan ang kaniyang kapitbahay na palihim na naging dahilan sa pagkaipit ulo ng usiserang babae sa metal gate ng kaniyang kapitbahay at ito ay tumagal ng limang oras sa pagkaka-ipit.

Ang naturang insidente ay nangyari sa may syudad ng La Virginia, Colombia kung saan ang babae ay nais makipagtsismisan sa kanyang kapitbahay upang makiusisa at makahanap ng ibang bagay at balita na maari niyang ichismis sa kaniyang iba pang mga kaibigan.

Ang ibang netizen nga ay sinasabing karma ito ng babae dahil sa kaniyang pagiging chismosa at pangingialam sa buhay ng ibang tao at ang iba naman ay sinsabi dapat ay maging aral daw ito sa ibang taong mahilig mag-usisa sa buhay ng ibang tao.

Matapos naman makalaya o marescue ang babae sa pagkakaipit sa gate ay wala nang iba pang balit kung ano na ang nangyari sa babae pagkatapos ng insidente.

Ngunit dahil sa kanyang karanasan ay naging aral na ito sa kanya para tumigil sa panghihimasok sa buhay ng ibang tao.

Sana all lahat ng tsismosa sa buong mundo hindi lang ganyan ang mangyari sa kanila…