Bata nagtitinda araw-araw ng ice candy para may pambili ng gamot ng nanay niya at pagkain nila

Local, ofw news

Isang corcerned netizen ang nagbahagi sa social media ng larawan ng isang bata na napadaan sa kanyang bulalohan na tumatanaw sa mga pagkaing paninda niya na tila gutom na gutom.

Inalok ng may ari ng bulaluhan ang bata dahil nkita niya sa itsura nito na gutom na gutom na ang bata

Bata nagtitinda araw-araw ng ice candy para may pambili ng gamot ng nanay niya at pagkain nila

“Alam mo yung pakiramdam na gutom na gutom ka na pero WALA ka pang benta? At yun nga inalok ko ng pagkain sabi ko libre ayaw pa nung una kasi nakakahiya daw, pero bandang huli napakain ko rin siya.” Saad ng netizen na si Rempillo Nhel.

“Nag kwento na ang bata habang kumakaen, araw-araw daw siya naglalako ng ice candy, nang tignan ni ko ang box ay halos wala pang bawas ang paninda ng bata. tapos sabi pa ng bata na kaylangan niya daw mag tinda araw-araw para sa nanay niyang may sakit, siya lang daw ang inaasahan pag hindi siya makabenta wala silang kakainin.”

“Naawa ako kaya nagpaalam ako na picturan ko siya, sabi ko post naten sa FB malay mo kahit papano may tumulong ” kwento pa ni Nhel.

Taga Liano ang bata araw-araw siya dumadaan sa tindhan ng nasabing netizen.

Kwento pa nang bata ay masama daw ang pakiramdam niya, kaya agad naman siyang inabutan kahit konting barya ng netizen alam niya na hindi sapat ang inabot niya.

Kaya panawagan ng netizen na si Nhel “Sa may mabubuting puso jan share natin ito para matulungan kahit pa piso-piso ay malaking tulong na sa bata sa araw-araw nila ng nanay niyang may sakit. Wala siyang gcash tinatanong ko,sabi ko daan siya dito araw-araw pag may nag abot ng tulong bibigay ko sayo.”

Sana mapansin ang post nato ng matulungan ang bata at ang nanay nito na may sakit.

Share po naten pra matulungan.
RTIA
KMJS
DSWD