Batang ina lumayas sa kanila dahil ang kanyang stepfather ang tatay ng kanyang anak

Local, ofw news

sang concerned netizen ang nag bahagi ng larawan ng isang menor de-edad na babae kasama ang sanggol na anak nito na nasa lansangan sa labas ng BDO Bank sa Imus branch palengke.

Ayon sa netizen na si Marilou Nalliasca, umagaw ng atensiyon niya ay ang baby na pagapang gapang sa kalsada na walang diaper o short napakarumi at pulang pula na ang pwetan parang may rashes na at ang nanay ay mukhang bata pa.

Nang tanungin niya ito kung bakit ito nasa kalsada, sagot nito ay “lumayas po ako sa amin kasi po ang stepfather ko ang tatay ng anak ko.” nanggigilid na ang luha niya. May gusto pa siyang sabihin kay Marilou ngunit hindi niya madiretso.

Ibinahagi ni Marilou Nalliasca sa social media ang buong kwento.

Hindi ko po alam pano sisimulan ang kwento.Kaninang tanghali nakita ko silang mag ina sa may labas ng BDO Bank sa Imus branch Palengke.Umagaw ng atensyon ko ang baby na pagapang gapang sa kalsada na walang diaper o short.Napakarumi nito pulang pula ang pwetan prang may rashes at ang nanay niya mukhang bata pa ito.Habang tinitingnan ko sila nagtitimpla ng gatas un ina nya na swerteng may mabuting puso na nagbigay ng isang latang gatas at feeding bottle.

Halatang hindi alam ng ina pano ang tamang pagtimpla ng gatas at dahil sa hindi ako makatiis nilapitan ko silang magina sabi ko may scoop pra sa pagtimpla ng gatas.sabi ko basahin mo sa likod.Ngumiti lng sya skin at manghang mangha sya sa lata ng gatas na ibinigay sa kanila pano ba naman Similac yun taz babyflo un bottle.

Tinanong ko sya saan sila nakatira sagot nya” WALA PO KAMING BAHAY”sabi ko bakit taga saan ka ba?sagot nya “TAGA DITO PO AKO DITO NA PO AKO LUMAKI”eh bakit kayo nasa kalsada sagot nya na ikinagulat ko”LUMAYAS PO AKO SA AMIN KASI PO ANG STEPFATHER KO ANG TATAY NG ANAK KO.NANGINGILID ANG LUHA NYA.May gusto syang sabihin sa kin na hindi nya madiretso.

Syempre ano ba ang iisipin kung ganon ang sinabi sayo napailing ako sobrang lungkot na nangyayari itong ganito.Dahil mababa ang luha ko Sabi ko sa kanya Intayin nya ako babalik ako.Lumayo ako naghanap ako ng pwede kong maibigay sa kanilang mag ina.Isip ko kung bibili ako ng bagong damit tig isa lang sila pano eh malamig ang panahon pano un baby?Ina din kasi ako kaya ramdam ko un hirap na tinitiis nilang magina lalot nasa kalsada sila umuulan pa naman.Swerte na lang may nakita akong Ukay ukay bumili ako ng blouse at jacket para sa nanay at tatlong jacket at short na mahaba pra kay baby.

Pagbalik ko wala na sila pinagtanong ko sila buti may nakapagturo.Inabot ko sa kanila un munting tulong ko sabi ko bihisan un bata at magbihis din sya.Sabi ko sa kanya mag iingat sa kalsada .Tinanong ko sya pwede syang mag punta s DSWD bata pa sya at mukhang konti na lang maloloka na mukha syang tuliro.Sabi ko sa sarili ko tutulungan ko sila dahil need nila ng agarang rescue.Hindi sila mawala sa isip ko.

Nagpray ako na sana marami ang tumulong sa kanila.At maalis sila s kinalalagyan nila.At naway sila naman ang mapansin ni God.Binalikan ko ulit sila wala na naman s lugar na pinagiwanan ko s kanila iniwan nila yun plastic n may lamang gamit nila malamang naghihingi ng limos.Inilagay ko na lang yun tinapay na pra sa kanila.Sana mapansin ang post ko ng DSWD NG IMUS AT MUNICIPALITY NG IMUS.Pandemic pa naman ngayon.

Naway haplusin ni PAPA JESUS ang mga puso ng may tumulong sa kanila. “In ‘Jesus’ Name”

Sana matulungan siya mapanagot ang kanyang stepfather sa krimen na ginawa sakanya.

Share po naten pra makaabot sa mga kinauukulan.
RTIA
KMJS
DSWD

Source: Facebook

Marami namang Netizen ang nagkomento sa kalagayan ng mag-ina

Emily Bautista
Kawawa nmn Sana matulongan iton Bata nanay tgaDSWD

Lea Abiog
Ano ba yan kapal ng mukha gago talaga kinawawa ang bata sa impirno ka mapupunta .gago

Angelina Bernados Embudo
Kawawa nmn…dapat mapa rusahan yan…stpfather nya ..wla nmn awa…