Batang Pulubi Na May Taning Ang Buhay, Patuloy Sa Panlilimos

Local, ofw news

Namataan ng isang netizen sa Baclaran, Tambo ang isang batang namamalimos sa kalye na tila nahihirapang huminga at kapansin-pansin ding hindi normal ang laki ng tiyan at mukha nito. Matapos mag-viral ang kanyang nakaaawang larawan, maraming netizen tuloy ang humiling ng agarang tulong para sa kanya.

Ang viral post

Nag-viral umano ang post ng isang netizen sa Facebook tungkol sa isang batang pulubi na patuloy na namamalimos sa kabila ng iniinda nitong malubhang sakit.

Ipinost ito ni Jayson Cinco Noynay matapos niya itong mamataan sa kalye ng Baclaran, Tambo. Aniya, ang bata sa larawan ay si Kenneth, labindalawang taong gulang, at siya ay kasalukuyang pinahihirapan ng kanyang sakit na Rheumatic Heart Disease.

Sa viral post, mapapansing nahihirapan sa pag-hinga ang bata at tila malayo sa normal ang laki ng kanyang tiyan, maging ang mukha nito. Halata rin ang pagkamanas ng kanyang binti at paa na lalo pang nakaagaw pansin sa netizen.

Ang iniindang sakit
“May taning na po ang buhay ng bata.” Ito ang sinabi ng nagpost ng kanyang larawan matapos niyang tanungin ang ina ng bata.

May maintenance naman aniya si Kenneth, ngunit dahil sa labis na kahirapan hindi na nila ito kayang maibigay sa bata. At dahil nakulong din ang kaniyang ama, wala narin katuwang ang kanyang ina upang itaguyod ang bata.

Dahil dito, napilitang mamalimos ang bata sa lansangan at harapin ang nararanasang hirap upang kahit papaano ay makaraos sila sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.

Agarang tulong

Pinukaw ng nakaawang larawan ng bata ang puso ng maraming netizen at humiling na sana ay mabigyang pansin ng marami upang mabigyan siya ng agarang tulong.

At dahil dito, may isang mabuting loob ang nagpaabot sa kanya ng tulong at kahit papaano’y naging maayos ang kanyang kalagayan. Hiling ng bata sa tumulong ay madugtungan pa sana ang kanyang buhay.

Ang viral post ay umani ng libo-libong reaksyon, komento, at shares mula sa netizens. Nawa’y marami pa ang magpaabot sa kanya ng tulong, maging sa ang kanyang pamilya.

 

Source: Jayson Cinco Noynay