Bulag na Lalaki na Naghahanap Buhay pa rin sa Kabila ng Kanyang Kalagayan, Nagsilbing Inspirasyon sa mga Netizens!

Local, ofw news

Nagsilbing inspirasyon sa marami ang isang lalaking bulag na nagtitinda ng mga prutas. Sa kabila ng kanyang kapansanan at nais niya pa ding makatulong at hindi maging pabigat sa kanyang pamilya.

Marami sa atin ang madalas na magreklamo sa buhay at karamihan pa ay ang malulusog ang pangangatawan. Ang pagrereklamo ay walang kahahantungan dahil ang kailangan natin sa buhay ay sipag at tiyaga. Sabi nga sa isang kasabihan ‘Kung may tiyaga, may nilaga’.

Kailangan natin magpursige sa buhay at sa huli ay magbubunga din ang lahat ng pinaghirapan. Marami sa atin ang kumakayod at halos wala ng pahinga para lamang makaraos sa pang araw-araw at masuportahan ang pamilya. Minsan pa nga ay pinagkakasya pa nila ang katiting na kita.

Sa panahon ngayon at simula ng pumasok sa ating bansa ang pand3mya ay tila mas lalong naghirap ang karamihan sa atin. Nagsarado ang mga negosyo at ang iba naman ay nawalan ng trabaho. Kung dati ay mahirap na ang buhay ay mas lalong naging mahirap ngayon.

Ngunit, sa ilang patong-patong na problemang kinahaharap natin ay may ilan pa din sa atin na pinipiling lumaban sa hamon ng buhay. Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng isang bulag na lalaki na nagtitinda ng mga prutas.

Siya ay kinilalang si Jake Dulce Fetalver. Nakita siya sa tapat ng Jollibee Odiongan Branch na nagtitinda ng prutas kasama ang kanyang anak na nagsisilbing mata nito.

Habang ang kangyang misis ay nagtitinda rin sa pamilihan malapit sa kanilang tahanan. Dahil sa kagustuhan na makatulong sa pamilya at hindi maging pabigat ay naisip niyang magtinda ng mga prutas at maghanap buhay sa kabila ng kanyang kalagayan.

Naging inspirasyon naman siya sa maraming netizens. Kahit na siya ay walang kakayahang makakita ay hindi ito naging hadlang para makatulong sa pamilya at kumayod sa buhay.

Komento ng isang Netizen

Funzelle Smith Abuda
Mga ganitong tao po ang dapat tulungan ng kahit na cno na capable magbgay ng tulong such as government employees, politicians, or even private citizens….