Bulag na Lola, Mag-isang Namumuhay Matapos iwan ng Asawa

Local, ofw news

Lubhang nakakalungkot at nakakaawa kapag nakakakita tayo ng matatandang mag-isa lang sa buhay dahil wala na silang kakayahang magtrabaho lalo na kung ito ay wala ng paningin.

Isang concerned netizen naman ang nagpost sa Social Media ang humihingi ng tulong para sa kapitbahay niyang matandang babae na wala ng kasama sa buhay dahil iniwan daw umano ito ng kanyang asawa at wala itong mga kamag-anak. Nang puntahan ito ng concerned netizen na nagpost sa Facebook ay hindi pa kumakain ang matanda dahil wala itong makain. Kaya naman binigyan at inabutan niya ang matanda ng pagkain.

Ayon sa kanya, residente ng Pinaring Sultan Kudarat ang matanda. Nawa ay matulungan siy at maidala sa bahay ng matatanda kung saan maaalagaan siya at mabibigyan ng mga pangangailang gaya ng pagkain at mga gamot.

Narito ang buong detalye ng kanyang post:

“Share ko lang po nag iisang matanda sa likod ng bahay namin bago lang kami sa Pinaring kaya ngayon ko lang napansin ang matanda, pinuntahan ko binigyan ng makain dahil hindi pa dwa kumakain. Hindi na po siya mkakita at walang kamag anak iniwan daw ng asawa niya. Akala ko sa facebook lang ako makakita ng ganito. Sana matulungan ng DSWD. Pa share lng po mga pagari ko. Baka may gustong magbigay ng tulong jan pwede nyo po siyang puntahan. Location, PINARING SULTAN KUDARAT MAG. Dela torre po”

Maraming netizens naman ang nahabag sa kalagayan ni Lola. Mayroon ring tumawag sa atensyon ni Raffy Tulfo upang matulungan si Lola sa kanyang sitwasyon.