Construction Worker at Maybahay nito, Hinangaan Matapos Makapagpatayo ng Dream House na Mula sa Kanilang Naipon

Local, ofw news

Ang paggastos ay may limitasyon na dapat planuhin upang hindi mapunta sa walang katuturan ang paggamit ng pera. Kaya nahihimok tayong mag-ipon upang may magamit sa panahon ng pangangailangan. Kagaya na lamang ng isang kwento ng mag-asawang nag-viral sa social media dahil sa kanilang kahusayan sa pag-iipon.

Ang mag-asawang ito ay sina Kember Flores Casabuena at kaniyang asawa na si Alphie Castante Olvis. Si Kember ay isa lamang maybahay at ang kaniyang asawa naman ay isang construction worker. Maliit lamang ang kinikita ni Alphie sa kaniyang pagco-construction ngunit hindi ito naging hadlang upang sila ay magkapag-ipon

Sa bawat iniuuwing sahod ni Alphie ibinibigay niya ito agad kay Kember at talagang masinop si Kember at madiskarte sa buhay kahit nasa bahay lamang siya.

Ang kanilang inipon ay inilalagay nila sa kahon ng sapatos kaya nung napuno na ito ay inilipat nila ang kanilang mga naipon sa isang balde. Hindi namalayan ng mag-asawa na lumago na pala ang kanilang naipon na pera. Kaya matapos nila itong bilangin ay pinost ito ni Kember sa kaniyang facebook at marami ang namangha sa kaniyang larawan.


Ang kanilang mga naipon kasi ay hindi lamang Php50 pesos mayroon ding Pph1000 pesos at Php500 pesos. Napahanga sa kanila ang mga netizens dahil sa naging klase ng kanilang pag-iipon. Ayon kay Kember, ang nabigay sa kaniya ng inspirasyon upang mag-ipon ay ang “Ipon Challenge” sa isang kwento na ini-ere sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’. Kaya ang kanilang naipon ay ginamit nila sa pag-papagawa ng sarili nilang bahay.

Ang mag-asawang ito ay isang patunay na hindi mahalaga kung gaano man kaliit o kalaki ang kinikitang pera upang makapag-ipon. Kung lalakapan ng tamang pagtitipid ang mga gastusin sa bawat araw ay siguradong may pangarap na matutupad. Walang imposible sa taong may determinasyon sa buhay upang mabigyan ng kulay ang mga iginuhit na pangarap.

mga netizens ay samu’t sari ang mga reaksiyon at komento sa kwento niya.

Congrats po basta nagtutulungan walang imposible pareho kayong mapalad sa isa’t isa responsible na mister at masinop na misis??

Mheldz Rellores
Sobranq nakaka proud.. Kahit gano tlaga kaliit o kalaki nq kinikita moh.. Basta marunong tayonq magipon.. Nakaka inspire naman cila.

Rica Joy Geronimo
Wlang imposible sa taong mapangarap sipag at tyaga lng po ang ating dpat mging phunan,, pag my pangarap dapat my action dn tau,, hbang kya pa ntn plitin ntng ma improved ang ating bhay,, gwin po nting inspiration ang mga Tao n ating hinahangaan,, lge lng tatandaan kng mkaya NG iba kya rn ntn yan,, ??????