Dakilang ama, karga ang anak habang nagtatrabaho para may pambili umano ng gatas

Local, ofw news

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ang ina ang naiiwan sa tahanan upang mag-alaga at magbantay sa mga anak nito habang ang ama naman ang naghahanap-buhay para may makain ang pamilya.
Bihira lamang makakita na ang isang ama ang naiiwan para mag-alaga ng mga anak na kadalasan kasi ay trabaho ito ng mga butihing ina.
Gayunpaman, kinabiliban naman sa social media ang isang ama na karga-karga nito ang kanyang anak sa kanyang likuran habang patuloy ang pagtatrabaho ito.
Viral sa social media at umani ng papuri mula sa mga netizen ang ginawang pagpupursigi ni Vinz Manalo na maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya kahit mahirap ang kanyang sitwasyon.
Sa larawang ibinahagi sa Facebook, mapapansin na abala sa pagtatrabaho sa kusina si Vinz kung saan ay nakatambad sa kanyang harapan ang mga naglalakihang kaldero habang may suot itong apron.
Ngunit kahit abala si Vinz sa trabaho sa kusina ay nagagawa parin nitong alagaan ang kanyang anak na sanggol na nakakarga sa kanyang likuran.

Kahanga-hanga nga naman ang ipinakitang kasipagan ni Vinz at maganda halimbawa ito para sa lahat ng ama.
Ayon sa caption ng post ni Vinz, sinabi nito na kailangan munang magtiis ng kanyang anak dahil kailangan niyang magtrabaho para may pambili ito ng gatas.
“kapit lng anak ko..kailangan lng talaga mgtrabaho ng papa mo pra my pambili ng gatas mo??” ayon sa post ni Vinz
Napag-alaman na si Vinz ay isang misyonaryo na marangal na nagtatrabaho sa Adventist Hospital Palawan sa Puerto Prinsesa.
Umabot na sa mahigit sampong libong shares at mahigit anim na libong reaksyon sa nasabing post mula sa mga netizen.
Hindi naman maiwasang magtanong ng ilang netizen kung nasaan ang ina ng bata na dapat ay siyang nagaalaga sa kanyang anak habang nagtatrabaho ang ama.
Basahin ang ilang komento ng netizen
Saludo aq sYo tatay bless kayo n god at Sana lumaki s baby na mabuti bat asan nanay Ng bata
Nakaka inspire ka kuya sana all father ganyan..saludo ako sau kuya??
i salute u sir…may paninindigan ka….nkkahiya nmn sa mga batugan jan…
 At least inaalagan niya anak niya d xa nang aabala kudos sau bro?
Kahit siguro alm mong may pagkadelikado ang trabaho mo ginawa mo lng dahil wala kng mappaiwanan sa ank mo proud papa ok. But next time kuya wag mo n lng isama baby mo for the sake of your baby din. God bless u kuya .