DSWD, Binawi ang SAP sa isang Lolo! Bakit kaya!

Local, ofw news

Karamihan sa ating mga kababayan ngayon ay lubos na apektado ng enhanced community quarantine, lalo na ang mga mahihirap at mga nangangailangan, kaya naman ang ating pamahalaan ay nagbibigay ng ayuda para sa ating mga kababayan na lubos na apektado ng ECQ.

Ngunit, nakakalungkot lamang isipin na kahit ilan sa ating mga kababayan ay talagang lubos na nangangailangan ng tulong, sila pa din ay hindi napipiling mabigyan ng ayuda at mas masakit pa dahil may pagkakataon na binabawi ang naibigay na ayuda sa kanila.

 

Katulad na lamang ng nangyari sa matandang lalaki na ito matapos bawiin umano ng DSWD ang Php6,500 na ayuda sana na matatanggap ni lolo para sa social amelioration program ng pamahalaan.

Sa post ng apo ng nasabing lolo na si Joel Alva Baclao, sinabi niya na sobrang saya ang nararamdaman ng kaniyang lolo at lubos ang pasasalamat nito nang makakuha ito ng ayuda mula sa gobyerno dahil ito ay malaking tulong para sa kaniya upang mabili na lahat ng kaniyang mga pangangailangan.

Ngunit, ang kasiyahan na ito ay napawi din at napalitan ng lungkot nang bawiin ng DSWD ang ayudang natanggap ni lolo.

Kwento ni Joel, hiling lamang daw ng matanda na magkaroon siya ng mga bagong damit na maisusuot ngunit ngayon ay hindi na niya mabibili ang mga iyon dahil nga binawi ng DSWD ang ayuda sana nito.

Pagbabahagi pa ni Joel, hindi pa nila nabalik ang buong halaga na natanggap ni lolo sa ayuda nang bawiin na ito ng DSWD dahil nagastos na din nila ang Php1,000 mula dito na ipinambili naman nila ng mga personal hygiene at vitamins na kailangan ng matanda.

Saad din ni Joel, si lolo ang siyang gagamit ng ayuda at para sa kaniya lamang lahat ng iyon at hindi sa kanila kaya naman nagtataka siya kung bakit binawi pa ito gayong kailangan na kailangan ito ng matanda.