Ina sumulat sa DepEd : Nakiusap na bawasan ang aralin ng mga estudyante

Local, ofw news

Noong magsimula ang klase noong Oktubre 5, hindi maikakaila ang hirap na dinaranas ngayon hindi lamang ng mga estudyante kung hindi pati ng mga magulang.

Sa isang facebook post ay sumulat ang inang si Teejay Marquez Jimenez upang makapaglabas ng saloobin sa Kagawaran ng Edukasyon.

sinabi niya na nagpapasalamat siya sa Department of Education (DepEd) dahil sa kanilang pagsusumikap upang makahanap ng paraan para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.

Kaya naman, dulog niya sa DepEd sana ay bawasan nito ang mga ibinibigay na aralin sa mga estudyante at bigyan sila ng sapat na panahon upang matapos ang lahat ng gawain.

“Amin lang po sanang hiling ay bawasan ang napakaraming “learning task” na kailangang sagutan ng mga bata at hapitin ang isang linggong deadline,” saad ni Jimenez.

Wala pang tugon ang DepEd dito, ngunit sa kasalukuyan umabot na sa 19k reactions at 27k shares ang post ni Jimenez.

Ayon sa Mga Komento ngĀ  Netizen,

tama namn ee.h,school n nga mga anak ko hirap prin s dmi ng mga sinsgutan.+pa yung ingay s kpligiran kya d mka pg concentrate kya s gabi gingawa nlng kya halos mpuyat..wag namn msyadung dagdagan ang mga ssagutan na iistress din ang mga bata..

Sakit na ulo ng mga bata at ng mga magulang.kaya kng pwd bawasan naman ang module

Susss..totoo yon..hndi lang mga magulang..pati na mga bata..kc hndi lahat nang magulang ay mataas ang pnag.aralan..