Isang babae nasawi matapos saksakin ng hipag dahil sa “CHISMIS”

Local, ofw news

Nasawi ang isang babaeng magsasaka sa pananaksak ng kanyang hipag sa Sitio Kinawayan, Bry. Baganihan Marilog, Davao City martes ng gabi.

Isang babae nasawi sa Davao City matapos saksakin ng hipag dahil sa "CHISMIS"

Kinilala nag biktima na si Delia Mamayas, at ang suskpek na si Irene Oral, magsasaka rin na sumuko sa Marilog Police Station matapos ang krimen.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dati na umanong may sama ng loob sa isa’t isa dahil sa chismis tungkol sa kabit.

Ayon namn kay Oral, bigla umano siyang sinunggaban ng biktima habang papunta sa sakahan. Pero nakilag umano siya at tumakbo patung sa bahay ng kanyang kapatid.

Pag-uwi niya, inatake naman daw siya gamit ang bato at kahoy na panggatong. Kaya dumipensa umano si Oral at sinaksak ang biktima ng tatlong beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan

Sasampahan si Oral ng kasong pagpatay sa babae.