Isang Gasoline Boy, Naipatayo ang kaniyang ‘Dream House’ Dahil sa Kanyang Sipag At Tiyaga

Local, ofw news

Ang pagsisikap na maabot natin ang ating mga pangarap ay hindi madali, ngunit kung may determinasyon ka sa iyong sarili walang impossible na maabot ito. Lalo pa ngayon na mas nagiging mahirap ang buhay.

Kagaya na lamang ng isang gasoline boy na nakapagpatayo ng kaniyang pinangarap na bahay sa kakarampot niyang sahod sa bawat araw ng kaniyang pagtatrabaho. Kaya hindi aakalain na magagawa niya ito

Ang gasoline boy na ito ay si Igue G. Varra, sa edad na 26 siya ay nakapagpatayo na ng kaniyang pinangarap na baha. Ang pinangarap niyang bahay ay nagsimulang itayo noong March 2020 lamang kasalukuyang may community lockdown.

Itong kaniyang pinagawang bahay ay naging usap-usapan sa social media kung saan umaabot na sa Php250,000 ang ginastos niya dagdag pa ang Php25, 000 para sa pagpapalagay niya ng mga grills at iron gate.

Ang bahay ni Igue ay may sukat na sahig na 22 ft x 24 ft, kung saan marami na ang pwedeng mailagay na mga gamit sa loob ng bahay. Hindi pa man ito natatapos, mukhang maganda na ang kakalabasan nito dahil sa napakaganda nitong desinyo.

Ang kaniyang bahay ay malapit na ring matapos dahil meron na rin itong gate. Sa uri ng trabaho ni Igue hindi mo aakalain na siya ay makakaipon ng malaking halaga para sa kaniyang pinangarap na bahay.

Maraming mga netizen ang humanga sa kaniya dahil sa kaniyang pagiging matipid upang makabili siya ng sariling lupa at makapagpatayo ng kaniyang pinangarap na bahay.

Yes walang imposible sa taong may pangarap sa buhay . Manatiling simple at pag iponan ang gustong makamit sa buhay?

Hindi hadlang Anu man Ang ating katayuan at trabaho sa hirap walang impossible na mabuo Ang pangarap Basta nagsisikap