Isang Lola ang namumulot ng tira-tirang palay sa bukid para umano may makain.

Local, ofw news

Ayon kay lola Rosita, namumuhay siyang mag-isa, obligadong maghanap ng makakain para mabuhay, ang inaasahang SAP 2 ay pambili sana ng bigas at maintenance na gamot pero wala pa siyang natatanggap.

si lola Rosita Corpuz 75, residente ng barangay Sinulatan, Guimba, Nueva Ecija matapos mamulot ng tira-tirang palay na naiwan ng makinang combine reaper-harvester.

Isa si Lola Rosita sa mahigit 100 beneficiaries ng SAP o Social Amelioration Program sa barangay Sinulatan na hindi nakakuha ng ayudang P6,500 sa second tranche hanggang sa kasalukuyan.

Alas 7:00 ng umaga, lumulusong na sa bukid si Lola Rosita, bitbit ang lingkaw, nakatali naman sa bewang ang sakong lalagyan ng mapupulot na palay at dala-dala na rin ang baong pagkain sa pananghalian.

Pagsapit ng 5:00 ng hapon, palubog ang sikat ng araw, pauwi na si Lola Rosita, sunung-sunong nito ang mahigit 5 kilong palay na naipon sa pamumulot at pagdating sa bahay, kahit na pagod, matiyagang ginigiik sa paa.

Nakaipon na ng 2 kabang palay ang matandana ipapakikikis para maging bigas.

 

Sa katulad ni Lola Rosita na isang mahirap o indigent, priority sana ito sa social pension ng mga senior citizen.