Isang Nanay, ang naghihinagpis matpos mabulag ang kanyang anak dahil sa maling gamot na pinapainom.

Local, ofw news
Ito ay hinaing ng isang Ina na naghihinagpis dahil sa kapabayaan ng isang pribadong hospital.
Binalot ng dilim ang dating masayang mundo ng isang bata dahil sa kapabayaan ng mga doktor at nurse sa nasabing ospital. Ayon sa Ina ng bata, dinala niya ang kanyang anak sa ospital para ipagamot dahil sa Cellulitis.
Ang dating makulay na mundo ng kanyang anak ay napalitan ng dilim. Natapos ang malilgayang araw ng mag ina.
Nang Dahil Sa Kapabayaan Ng Ospital, 3-Taong Gulang Na Bata, Nabulag! 3
Lubos ang paghihinagpis ng ina dahil tila pinabayaan ang kanyang anak. Aniya, dapat sa skin test pa lamang ay hindi na itinuloy ang pagturok sa antibiotic nung nakitang may reaksyon agad ito sa kanyang anak ngunit sa kapabayaan ng nga doktor at nurse ay wala man lang ginawa ang mga ito at itinuloy pa din ang pagturok sa bata at dito na nga nagsimula ang insidenteng hindi malilimutan ng mag ina. Cellulitis ang pangunahing dahilan kung bakit dinala sa ospital ang bata ngunit sa kapabayaan nga mga doktor at nurse ay nagkaron ng Steven Johnson Syndrome ang bata. Ito ang naging sanhi ng pagkabulag ng inosenteng bata. Ito ay nagresulta dahil sa allergy sa antibiotic na itinurok sa bata.
Nang Dahil Sa Kapabayaan Ng Ospital, 3-Taong Gulang Na Bata, Nabulag! 4
Sunog na sunog ang balat ng bata ngunit walang naging aksyon ang mga doktor at nurse sa nasabing ospital. Ang sabi lang ng mga ito ay gamot din ito sa Cellulitis kaya naman ipinagkatiwala ang bata sa mga ito ngunit ito pala ang magiging dahilan ng pagkabulag nito.
Isa pang ikinagagalit ng ina ay ang paglilihim ng ospital sa tunay na dahilan ng pagkabulag ng bata. Steven Johnson Syndrome ang ikinabulag ng anak niya dahil sa gamot na itinurok dito habang naka admit sa ospital.
Nang Dahil Sa Kapabayaan Ng Ospital, 3-Taong Gulang Na Bata, Nabulag! 2
Labis na lamang ang galit ng ina dahil wala man lang doktor ang umaksyon dito at sa halip ay inilihim ang totoong dahilan ng pagkabulag ng kawawang bata.
Nawa’y maaksyunan ang isyung ito at maireport ang kapalpakan ng pribadong ospital na ito nang sa gayon ay wala na umanong kaso ang sumunod sa nangyari sa anak ng biktima.

DEMANDA MO NAGRESETA NYAN BKA SAKALI MAY MAGAWA PA SA BATA? KAWAWA ANAK MO! SUS KO PO!!!