Isang Sanggol, Nakalunok ng Wire Mula sa Strainer!

Local, ofw news

Mula sa post ng Doctor Parenting sa Social Media ay kumalat ang ilang larawan na nagbibigay ng babala sa mga magulang dahil isang sanggol ang nakalunok ng isang maliit na hibla ng wire mula sa strainer at bumara ito sa kanyang lalamunan.

Iba-iba ang paraan ng mga ina kung paano nila papakinin ang kanilang mga anak ngunit palaging tatandaan na laging mag-iingat sa mga pinapakain sa kanila. Mag-doble ingat hindi lang para sa mga ina, kundi sa lahat ng nagpapakain sa mga sanggol.

Ayon sa report sa Vietnam, nakita ng mga eksperto sa X-ray ng sanggol na may nakabara na tila manipis na hibla sa lalamunin nito. Nang matanggal, nakita isang maliit na wire na di-umano nagmula sa strainer. Hinala nila, nanggaling ang wire sa strainer na pinagsalaan ng pagkain ng sanggol.

Maraming paraan ng pagpapakain sa sanggol, palaging sisiguraduhin lamang na ligtas ito sa kanila dahil sa musmos ay hindi pa nila maiisip ang kinakain nila na ito pala ay delikado at maging mitya sa kanilang buhay. Maraming netizens naman ang nabahala at umabot ang share ng post na ito hanggang 18k shares. May ipinakita din sa post na ilang alternatibong pagpapakain sa mga sanggol.

Kawawa mn ang bata mga nanay ingat an ang pgppakain sa mga bata suriin o himayin ang ipinapakain sa bata khit malaki na cla