Isang Tindero Ng Unan Na Naglalakad Mula Rizal Hanggang Makati, Binigyan Ng Pamasko Ng Isang Netizen

Local, ofw news

Isang Tindero Ng Unan Na Naglalakad Mula Rizal Hanggang Makati, Binigyan Ng Pamasko Ng Isang Netizen

Ang tunay na diwa ng kapaskuhan ay ang pagmamahalan at pagbibigayan ng bawat isa sa isa’t isa. Wala na talagang mas sasarap pa sa pakira…

Ang tunay na diwa ng kapaskuhan ay ang pagmamahalan at pagbibigayan ng bawat isa sa isa’t isa. Wala na talagang mas sasarap pa sa pakiramdam na makakatulong sa ating kapwang nangangailangan.
Tunay din na nakakataba ng puso at nagbibigay ng ngiti sa atin ang makita ang bawat isa na may ngiti sa labi dahil alam natin na sila ay masaya sa kahit na anong regalo na kanilang natanggap.

Kaya naman tuwing Pasko ay maraming mga mabubuting tao ang nagbabahagi ng mga biyaya na kanilang natanggap sa buhay.

Katulad na lamang ng tinder na si Oman na nakatanggap ng munting regalo bago pa man sumapit ang araw ng Pasko. Siya ay nagtitinda ng mga unan kung saan nilalakad niya mula Taytay, Rizal hanggang sa Comembo, Makati City para lamang maibenta ang mga unan na kaniyang tinitinda.

Napansin ng vlogger na si Denso Tambyahero si Oman at hindi siya nagdalawang isip na bigyan ito ng maagang pamasko.

Ayon kay Denso, noong araw umano na iyon ay talagang naghahanap siya ng taong matutulungan. Habang siya ay nagmamaneho ay doon naman niya nadaanan ang tindero na si Oman.

Kaagad niyang nilapitan at kinausap si Oman. Mababakas din sa mukha nito ang hirap at pagod. Kapansin pansin din sa tindero na hirap ito sa pananalita.

Paglalahad ni Oman, isang unan pa lamang umano ang kaniyang naibebenta para sa maghapon na paglalakad at paglalako ng unan. Ngunit, wala na din ang kaniyang napagbentahan dahil nagamit na niya para ibili ng kaniyang pagkain.

Dagdag pa niya, may pagkakataon umano na halos sa kalsada na siya natutulog para lamang maubos ang kaniyang mga unan na paninda. Uuwi lamang daw siya sa kanila kapag naibenta na niya ang mga unan.

Kwento pa ni Oman, minsan na din daw siyang naloko ng isang babae dahil peke umano ang P500 na binayad nito sa kaniya. Hindi naman na ito nahabol ni Oman, kaya naman naiwan na lamang siyang nanlulumo.

Matapos marinig ang kwento ni Oman, bumili si Denso sa kaniya ng isang unan bilang souvenir. Ngunit, nang aalis na ang tindero, walang pagdadalawang isip na pinigilan siya ng vlogger at sinabi na siya ay mayoong ibibigay na regalo para dito.

Mapapansin ang gulat at saya sa mukha ni Oman. Binigyan siya ni Denso ng pera at sinabi naman niya na ito ay ipambibili niya ng bigas at cake para sa anak ng kaniyang kapatid.

Kitang kita sa mukha ni Oman ang labis na kagalakan at saya sa tulong na kaniyang natanggap. Saad nito na ngayon lamang umano siya nakatanggap ng malaking biyaya matapos ang 20 taon na pagtitinda ng unan.

Panoorin ang buong video sa ibaba:

Si Denso Tambyahero ay isang YouTube content creator na kilala sa mga videos niya nagpapakita ng pagtulong sa kapwa nating hikahos sa buhay. Naka-motor si Denso at tumutulong talaga sa mga nadaraanan niyang taong pansin niyang labis na nangangailangan.

Godbless po sa vlogger at sa taong tinulungan mo…..more blessings vlogger….ingat po kau pareho!