Kinuyog ang umano bahay ni Nuezca pagkatapos ng pamamaril kay Sonya at Anak

Local, News

 

Patay ang mag-ina matapos barilin ng isang pulis sa bayan ng Paniqui, Tarlac nitong Linggo ng hapon, ayon sa inisyal na ulat ng pulisya.

Nakasagutan ng mga biktimang sina Sonya Gregorio, 52 at Frank Anthony Gregorio, 25, ang suspek na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca at anak nito, na humantong sa pagpaslang.

Si Nuezca ay naka-destino sa Parañaque City Crime laboratory unit at nakatira sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui.

Sinita umano ng pulis ang mga biktimang kapitbahay nito sa pagpapaputok ng boga, ayon kay Lt. Col. Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui Police.
Katwiran umano ni Nuezca nagdilim ang kaniyang paningin nang makasagutan ng biktimang si Sonya Gregorio ang anak niyang babae.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagpapaputok ng boga sa bahay ng pamilya Gregorio kaya rumesponde doon si Nuezca para sitahin ang pamilya.

Pero nauwi sa pagtatalo ang pagtungo doon ng pulis.

Ayon kay Rombaoa, natapos na nila ang pagkuha affidavit sa mga testigo sa krimen kasama na ang asawa ng biktimang si Anthony.

Sinabi pa ni Rombaoa na inihahanda na nila ang pagsasampa ng reklamo double murder laban sa suspek na pulis.

At dahil isa itong aktibong pulis sa Crime Laboratory Office ng Paran?aque PNP, automatic ding magsasagawa ng imbestigasyon para sa administrative case laban dito ang PNP.

“Parang nainsulto siguro hanggang nagkasguatuan ang anak niya at ang matandang biktima. Siguro nawindang ang isip niya, dun niya pinaputukan ang mga biktima,” aniya.

Makikita naman sa video, na viral na ngayon sa internet, na binaril ng pulis ang mag-ina matapos magmalaki ng batang anak nito na pulis ang kaniyang tatay, na sinagot naman ng “I don’t care,” ni Sonya.

Dati nang nagkagirian ang magkapitbahay dahil sa usapin ng right of way ngunit naayos na umano ito sa barangay, ani Rombaoa.

Iniulat ng Pangasinan Municipal Police na sumuko ang suspek sa kanila bandang alas-6:19 ng gabi.

Agad inilipat ang suspek sa Paniqui Municipal Police. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

“Kitang-kita naman natin ito, ito ay isang blood murder. Kitang-kita sa video, hindi lumalaban ‘yong biktima. Hindi naman armado ang mag-ina. Talagang murder ito,” aniya.

Dagdag ni Año, sisiguraduhin niyang matatanggal sa serbisyo ang suspek.

“We don’t need this kind of policeman. Napakasimpleng bagay lang ‘yan para gamitan mo ng armas. Walang justification para barilin mo in cold blood. Talagang point-blank pa ‘yong distansiya. Talagang kailangan bigyan natin ng hustisya [ang mga biktima],” aniya.

Hinahanda na ng Paniqui Police ang kasong kriminal laban sa suspek at mahaharap din ito sa administratibong kaso, ayon kay Rombaoa.

Paalala niya, dapat pinaiiral ng pulisya ang maximum tolerance.

“Sa mga kasamahan po natin sa pulisya dapat self-control kasi nga maximum tolerance tayo, tayo ang may armas. Kung merong umaagrabiyado sa atin merong right forum po riyan, puwede nating kasuhan, not to the point na gagamitin natin ang baril natin,” aniya.

Unfortunately po ‘yung insidente off duty po ‘yung pulis, nasa kanyang bahay eh ‘yung issue naman kasing firearms, permanent issue naman po ‘yan. Lahat po ng member ng PNP ay may issued-firearms po, short firearms, binibitbit po nila ‘yan… Actually nagkaroon po ng directive si Presidente noon na ‘yung mga off-duty, they are allowed to carry their firearms kasi nga po may mga insidente na ‘yung krimen, nangyayari sa hindi natin inaasahan,”

Ano status neto!! Action naman tayo agad. Justice para sa mag ina na pinatay netong putang ina neto. Idamay nyo ung anak neto.
Presedent Rodrigo Duterte baka nman request lang sample. Wag nyo na ikulong toh bka pwede bitayin na toh. Buhay ang kinuha buhay din ang kapalit. Pota nang gigigil ako sa muka nang putang ina neto!!!