Lalaki, Sobrang Payat at Walang Saplot, Nangangailangan ng Tulong!

Local, ofw news

Marami sa mga Pilipino ang lubusan na naghihirap. Halos walang makain, walang maayos na natutuluyan at ang pinaka mahirap ay walang kasama at mag-isa sa buhay.

Isang larawan naman kumakalat sa Social Media na nakakaagaw pansin dahil lubhang nakakaawa ang kalagayan ng lalaki na ito na si Tata Bards. Mula sa isang facebook post ni Geiazzy Polintan Tabaquin, humihingi siya ng tulong para sa lalaking nasa larawan.

Nananawagan si Geiazzy sa lokal na pamahalaan sa Paniqui na bigyang pansin ang kalagayan ng isang lalaki na walang saplot at lubhang napaka payat. Tila wala din siyang kasama upang nag-aalaga sa kanya.

“Pasensya na po sa maselĂ„ng larawan ni Tata Bards nais ko lang po makahingi ng tulong sainyo hindi pinansyal kundi atensyon o sana mabigyan pansin ang kalagayan nya . Andito po sya sa likod ng stage ng Manaois,Paniqui,Tarlac. Sa mga kinauukulan po Maawa naman po kayo sakanya eto lang po kaya namin itulong . Mayor Max Roxas Vice Mayor Bien Roxas.” Ayon sa caption post ni Geiazzy.

Marami naman ang naawang netizens sa kalagayan niya. Karamihan ng komento ay tinatawag ang pansin ng programa ni Raffy Tulfo. Nawa ay makarating ito sa lokal na pamahalaan, sa programang handang tumulong gaya ng Raffy Tulfo in Acti0n at sa mga netizens na may kakayahang tumulong.
Nakarating po sa kaalaman ng ating butihing Mayor Max Roxas at Vice-Mayor Bien Roxas Paniqui, Tarlac ang kalagayan ni Ginoong Bardot De Guzman Pangan residente mula sa barangay manaois.
Agad pong nakipag ugnayan ang ating Vice Mayor Bien Roxas sa mga opisyales ng barangay manaois, MDRRMC, MSWD at mga Doctor sa Paniqui General Hospital. Upang agarang mabigyan ng aksyon ang kalagayan ni Ginoong Pangan, Sa kasalukuyan ay nasa Paniqui General Hospital na po siya at binibigyan ng atensyong medikal. Nang sa ganon ay maging maaayos ang kalagayan ni Ginoong Pangan. Sa lalong madaling panahon.
Lubos rin pong nagpapasalamat sina Mayor Max Roxas at Vice Mayor Bien Roxas. Sa ating mga concerned netizens na nag paabot ng kalagayan ni Ginoong Bardot De Guzman Pangan. Ipagdasal po natin ang kaniyang mabilisang paggaling at naway maging maayos na ang kanyang kalagayan.
Naglilingkod ng Tapat at Laging Maaasahan.
Serbisyong TO THE MAX. ??

My God please help him