Lalaki, viral matapos pagtawanan ng kanyang dating schoolmate nang malaman na ang trabaho nito ay construction worker

Local, ofw news

Para sa ating mga Pilipino likas na sa atin ang pagiging madiskarte kahit anong sitwasyon at kahit anong trabaho ay papasukin natin makaraos lang.

Lalo na ngayong panahon ng pandemiya marami sa atin ang nawalan ng trabaho kaya naman ang iba ay naghahanap ng ibat-ibang paraan para pagkakitaan.

Ngunit kung ang iba ay may ganito ng papanaw sa buhay ay mayroon din naman hindi.

Tulad na lamang ng isang kwento ng netizens na ipinost niya sa kanyang social media account kung saan nakasalubong niya ang kanyang dating kaklase noong highschool habang siya ay papasok sa kanyang trabaho.

Nang sila daw ay magkita siya ay kinamusta ng kanyang dating schoolmate at sinabi nito na na lagi raw siya nitong nakikita pag siya ay papasok sa trabaho.

Sambit din ng kanyang kaklase na nakikita rin daw siya nito na nag construction worker.

“Sayang naman pinag-aralan mo, Nagco-construction kana lang. Buti hindi ko naranasan yan”. Dagdag pa raw ng kaniyang dating ka eskwela habang tumatawa.


Nakakalungkot isipin na mayroon mga tao na ganito ang pagtingin sa trabaho ng ibang tao. Imbis na puriin dahil gumagawa ng paraan para mabuhay sa kabila ng pandemiya at walang tinatapakang tao ay bagkus hinahamak pa.

Narito ang buong kwento:

Convo with SchoolMate (With Honors)

Nagkasalubong sa Kalsada…

SM: Uyyy Eddcel ? Kamusta? Araw araw kita nakikita nadadaan dito.

ME: Ok lang naman eto papunta work.

SM: Nakikita nga kita eh, nagcoconstruction ka lang diyan sa Dulo Sumapa.

ME: Ahh ganon ba, oo eh hehe wala ng reklamo lalo pandemic.

SM: Sayang naman yung pinag-aralan mo. Nagco-construction kana lang. Buti hindi ko nararanasan yan. (Tumatawa)

ME: Speechlesss (Diskarte Lang Sa Buhay)

SM: HAHAHAHA

ME: Pano? Una na ako, baka malate ako eh. (Bike palayo sa kanya habang tumatawa Siya.)

Yung tipong habang nag Babike ka, napapa isip ka sa bawat salita na narinig mo mula sa Tao na yun. And what? Sobrang Sakit.

May KAYA sila sa buhay at Hindi habang buhay aasa SIYA sa Pamilya niya. May mga tao pading Idadown ka pero kailangan mo paring Magpatuloy.

Hindi naman sa lahat ng Panahon na sa Taas tayo. Diskarte sa Buhay na lang ang Labanan

Ps: Kaninang Umaga lang to. Papasok ako sa Work. For that Guy? God blesss you at sa Family mo.

Hindi ko ikakahiya kung ano ginagawa ko dahil dito ako Masaya at dito rin ako nakakatulong para sa Sarile ko at sa ibang tao at lalo sa Pamilya ko.

Dahil sa post nito marami ang mga netizens na nagpaabot magandang komento kay Edcel at para naman sa dati nitong schoolmate marami ang netizens nanagpaabot ng pagkasuklam dahil sa panghahamak nito.

Gnyan ang mga matapobre tao nkpgtrbho lng mgnda akla mo kung cnu n.. Anu nmn qng contraction ang trbho mo atlis marangal nkkbuhay ngpamilya..
Hayaan mo balang araw sya kkaining s sinbi. mga pnglalait sau brother.. Basta my pananalig k lng kay god maabot mo din ung pangarap mo s buhay… ???????????
Walang masama sa pagiging contraction worker, itoy marangal na trabaho, ang dpat na ikinahihiyang trabaho eh pagnanakaw…
Iba iba ang ugali ng tao. Hindi nila insip na mabuti kung nakabuti ba o nagpalakas ng loob ang sinabi niya. So huwag na lang pansinin magpatuloy lang tayu sa gawain at manalangin nakikita ng Diyos ang puso natin kung gaanu tayu kabuti sa ating mga mahal sa buhay. Ang huwag lang natin kalilimutan ay ang maglingkod sa Diyos.bigyan natin ng panahon ang paglikingkod sa Diyos. Darating ang araw na nasa mataas ka ng posisyon itaas mu ang pangalan Jesus ay itataas ka niya.