Lola na gusto mag-Jolibee kahit bente lang ang pera, Pinakain na lang ng mga crew

Local, ofw news

Napukaw ang damdamin ng isang netizen na si Marold Aquino Anido, sa nasaksihang kabutihan na ginawa para sa lolang ?20 ang pera sa loob ng isang fastfood.

Ayon kay Marold, galing ng palengke ang lola na pumasok at naupo sa loob ng Jollibee Calamba Crossing na tila pagod na pagod.

Maya-maya pa ay lumapit na ito sa counter at may hawak ang ?20 na tila umo-order na, agad naman syang kinausap ng mga crew ng Jolibee.

Agad namang nakaramdam ng kaba si Marold na baka hindi mabigyan ng pagkain ang kaawa-awang matanda.

Natuwa naman si Marold nang nilapitan ito ng crew, na may dalang burger steak, rice, iced tea at tubig. Nang mabigyan na ng pagkain, makikita ang tuwa sa mukha ng lola at masaya itong kumakain.

“Hindi ko mapigilang hindi sila kuhanan ng litrato dahil sobrang natuwa ako sa pinakita nilang action. Humihingi po ako ng pasensya sa pagkuha ng pictures niyo mga ate at kuya without your permission pero gusto ko lang talaga kayo i-share dahil super bait niyo po.” Pahayag pa ni Marold

Mabilis na nagviral ang nasabing Facebook post at marami ang humanga sa mga mababait na crew ng Jolibee.

OD WILL SURELY BLESS YOU
IT IS WRITTEN IN THE BIBLE
WHAT EVER YOU DID TO THE LEAST OF YOUR BROTHER YOU DID IT UNTO ME. THAT’S WHAT HOLY LORD JESUS SAID. GODBLESS YOU…….