Lola na naglalako ng kakain, labis na nanlumo nang mabayaran ng pekeng pera

Jobs, ofw news

Marami ang nadurog ang puso sa post na ibinahagi ng netizen na si Mylyn Tupas tungkol sa tindera ng kakain na nagawang lokohin ng isa sa mga bumili sa kanya.

Napagalaman na pekeng Php500 ang ibinayad kay “Nanay Liza”, ang lola na naglalako ng kakanin sa cainta, Rizal.

Ayon sa post ni Mylyn, Php80 lamang ang halaga ng binili ng babae na umano’y nagbayad ng pekeng pera.

Dahil dito, nagkaroon pa ito ng Php420 matapos na manlamang sa kaawa-awang lola na tindera.

Labis na nalungkot si Nanay Liza dahil puhunan na sana niya ang nawalang halaga sa kanya.

“Hindi ka na naawa sa matanda! Binayaran mo ng pekeng Php500. Halos nanlumo yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya. Nakakuha ka na ng halagang 80 pesos na kakanin, nasuklian ka pa ng 420 pesos sa peke mong pera!”

Upang matulungan ang lola, ibinahagi rin ni Mylyn sa kanyang post ang contact number ng tindera pati na rin ang address para sa mga gustong tumulong sa mga ito.

Hindi naman nabigo si Mylyn dahil matapos na mag-viral ang kanyang post, dumagsa ang tulong kay Nanay Liza.

 

Kaya naman madaling napalitan ang nawalang halaga sa kanya at labis labis pa.

Kahanga-hanga ang mga tulad ni Nanay Liza na sa kabila ng kanilang edad ay nagsusumikap pa ring matustusan ang mga pangangailangan nila sa araw-araw lalo na ngayong dumaranas pa rin tayo ng pandemya.


‘Kung sino pa mahirap, siya pa niloloko. Maawa naman kayo.’
A concerned netizen shared on social media the story of a kakanin vendor who was paid with a fake P500 bill last Monday, March 15, 2021.
Mylyn Tupas uploaded on Facebook the photos of Liusa Fineza, or “Nanay Liza,” who lost her hard-earned money to a female suspect.
“Kung sino kamang babae ka na nanloko dito kay Nanay Liza, multuhin ka sana ng konsensya mo, ang kapal ng mukha mo. Kung sino pa mahirap siya pa niloloko. Maawa naman kayo,” Tupas wrote in the caption.
“Hindi ka na naawa sa matanda binayaran mo ng pekeng 500 halos nanlumo ‘yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya. Nakakuha ka na ng halagang 80 pesos na kakanin nasuklian ka pa ng 420 pesos sa peke mong pera,” she added.
Tupas said that this is the third time that the incident happened to Nanay Liza.
“Pangatlong beses na ito nangyari sa kanya. Pilit kong hinanap sa CCTV. ‘Yung nanloko kasi ang galing niya magtago kaya naisip ko na lang i-post para makarating sa mga nanloko sa kanya,” Tupas told The Philippine STAR.
Tupas, who is also a family friend of Nanay Liza, said that the 76-year-old vendor was a former teacher before she started selling rice cakes along A. Bonifacio Avenue in San Roque, Cainta, Rizal.
Days after the post went viral, netizens messaged Tupas to ask for Nanay Liza’s contact details and they were surprised to receive donations from people they don’t know personally.
“Sobrang nagulat siya kasi wala naman ako intensyon na humingi kami ng tulong. Hindi po namin inexpect na ganyan karami ang tutulong sa kanya, sobrang natouch po, sobrang sarap sa pakiramdam,” Tupas said.
For those who wish to help Nanay Liza, you may contact her at 09501996660. (Photos courtesy of Mylyn Tupas)