Lola, pinaalis sa sariling bahay ng kanyang anak na may asawang foreigner, humihingi ng tulong

Local, ofw news


Sa isang Facebook post ng netizen na si Dana Bautista, ibinahagi nito ang kasalukuyang kalagayan nila ng kanyang matandang ina sa kamay ng kanyang kapatid na may asawang foreigner.

Ayon kay Dana, 84 taong gulang na ang kanyang ina at mayroon ng nararamdaman pero pinaalis pa rin ito ng kanyang kapatid kung kaya pinatuloy muna niya ina sa kanyang bahay.

Pinaalis umano ang kanyang ina ng kanyang kapatid sa sarili nitong bahay at lupa.
Kwento ni Dana, pinatituluhan umano ng kanyang kapatid ang lupa ng kanilang ina nang wala umanong pahintulot at ngayon ay nais na nitong paalisin ang matandang ina

Maging ang kinatitirikan umano ng bahay ni Dana ay nais ding angkinin ng kanyang kapatid.

Dahil mapera ang kanyang kapatid na nakapangasawa ng foreigner na hindi alam ni Dana at kanyang ina ang dapat gawin dahil wala sila pangtapat sa pera ng sariling kapatid.

“Pati itong kinatitirikan namin ay kinukuha parin at pinapalayas kami. Pinatituluhan Niya ang lupa Ng aking nanay Ng walang pahintulot Ng aking nanay,  at ngayon pilit kaming pnapalayas Ng sarili Kong kapatid.” kwento pa ni Dana.
Dagdag pa ni Dana, sila umano ay iddmanda ng sariling kapatid kapag hindi sila sumunod sa gusto nitong umalis sa kanilang mga tahanan.

Dahil sa kapatid na nakapangalan ang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay ay hindi alam ng mag-ina ang kanilang gagawin dahil kapos din umano sila sa pera kung kaya naman humuhingi sila ng tulong kung sino man ang nais tumulong sa kanila.

“Kami po ay idedemanda pa pag Hindi kami umalis. Tulungan niyo po kami, ano PO Ang dapat naming gawin.” ayon kay Dana.

Dahil sa post na ito ni Dana ay kaliwa’t kanan naman ang nagmention kay Raffy Tulfo in Action upang kaagad na maaksyonan ang sitwasyon ng matanda sa kamay ng kanyang sariling anak.

“Humihingi po kami Ng tulong, Ito Ang aking nanay, 84 years old na siya at may karamdaman. Dito siya sakin nakatira ngayon dahil pinalayas siya Ng aking kapatid na may asawang foreigner sa sarili Niyang bahay at lupa. Pati itong kinatitirikan namin ay kinukuha parin at pinapalayas kami. Pinatituluhan Niya ang lupa Ng aking nanay Ng walang pahintulot Ng aking nanay, at ngayon pilit kaming pinapalayas ng sarili Kong kapatid. Kami po ay idedemanda pa pag Hindi kami umalis. Tulungan niyo po kami, ano po ang dapat naming gawin.”

Hindi naman mapigilan ng ilang netizen na sabihan ng hindi maganda ang anak ni lola dahil sa pagtrato nito sa kanyang ina porket nakaangat na ito sa buhay dahil sa tulong ng asawang foreigner.

OMG! very sad to think about it. Please can I ask a favour from you guys to contact TULFO and tell them to visit, thanks.
Mahalin ntin ang ating mga magulang habang anjan dahil pag cla nawala khit umiyak p ng isang balding luha dna maibabalik pa

Walang utang na loob na anak.Bahala na sa iyo ang Panginoon.ang pera mo di mo madadala sa langit.