Lolo, Namamalimos para Maibili ng Gatas ang Kanyang Apo

Local, ofw news

Narito ang kabuuang post ni Emilio Torrente sa kanyang Fb account,

Ayon pa kay Torrente, pumanaw daw umano ang ina ng sanggol noong 9 na buwan pa lamang si baby kaya mula noon ay namalimos na lang ang Lolo ng sanggol upang maibili ito ng gatas.

 

Isang Lolo ang humihigi ng tulong para sa kanyang apo dahil silang dalawa lang umano ang magkasama matapos na pumanaw ang ina ng sanggol.

Ayon sa post ni Emilio Torrente, nakita nya ang mag-Lolo na ito sa isang overpass sa Calamba na namamalimos para umano pambili ng gatas at diaper ng bata.

Sa bangketa lamang natutulog ang mag-Lolo at humihingi sila ng tulong para sa mga gamit at gatas ng kanyang apo.

Ayon sa post ni Emilio Torrente,

Para po sa mga nagtatanong at nag ppm sakin nakita ko po ulit sila kanina. Around 3pm daw po sila naalis dyan sa lugar na pinag lilimosan nila. Apo nya po ang bata namatay daw ang nanay ni baby na anak nya. 9months old si baby. Mineral water, Kahit anong diaper at bearbrand ang gatas. Sa bangketa sila nag sstay sa mga bankong sarado tuwing gabe. At taga Batangas daw po sila? Baka meron din po kayong dede at gamit na damit para kay baby. Sana matulungan po natin sya?