Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

News, ofw news

Kung iisipin, ang mga buhay ng mga batang kalye ay palaging nasa panganib. Dahil sila ay palaboy sa lansangan at walang maayos na bahay na matitirhan, ang kaso ay sa daan na lamang din sila nakatira at natutulog. Ngunit ito ay napakadelikado dahil hindi mo masasabi na baka darating ang isang oras na may mangyaring masama sa kanila.

Isang concerned na security guard ng isang fastfood chain ang nag-viral dahil sa ginawa nitong pagmamalasakit sa isang batang kalye na inabutan na ng pagkaantok sa daan.

Isa netizen sa pangalang Khim ang nakakuha ng letrato at nasaksihan ang pangyayaring naganap sa labas ng Mcdonald’s outlet sa Paombong, Bulacan. Ayon sa kanya, sila ay nasa store ng 11:00 ng gabi. Habang ang kanyang kasama ay nag-ooder ng pagkain, naisipan muna niyang lumabas.

Nakita niya ang security guard na may inaayos na isang karton sa tabi ng sidewalk. Nagtaka siya kung paraan saan ba ito gagamitin. At ilang minuto lamang ay nakita niyang pumunta ang guwardya sa parking lot kung saan binuhat ang isang batang nakatulog sa daan na nakasandal sa isang traffic cone.

Maraming netizens ang na-impress dahil sa kabutihang ginawa ng guwardya, dahil hindi naman talaga niya responsibilidad na alagaan ang mga batang kalye. Ngunit dahil mayroon siyang puso at pagmamalakasakit sa kapwa ay naging concerned siya sa kalagayan ng batang nakatulog na lamang sa daan.

Nakilala na ang mabait na guwardya ay si Joselito Cunanan. Marami rin ang nagbigay ng puri sa kanya sa kabuting asal na kanyang ipinakita. Sinabi rin ng iba na sana ay ipagpatuloy lamang niya ang pagtulong sa kapwa dahil sigurado na maraming blessings ang darating sa kanya.

Mga komento ng netizens :

Sana maramipang katulad nya na matulongan sa mga Bata na nakatira sa kalye kawawa kung ta u ang nasa kalagayan ng mga Bata katulad nya mahirap dahil kahit gusto nila kumain ng masarap wala kawawa buti may taong magandang loob

Salodo poh ako sayo sir sana poh magaya ka ng mga kapwa mo na mga gard. Sana mga gard wag kayo mag gagalit sa mga tao lalo na kaparihas mo naga hanap buhay.. para magalang din poh kayo ng mga tao katolad ni cuya gard ang bait niya. Salodo poh ako sa u sir gard

Thank you mr.guard for the kind heart
Thank you Kuya God bless Yan Ang taong may awa s kapwa idol