Magandang bata na nag titinda sa kalsada, Nababahala ang mga netizen. Bakit kaya?

Local, ofw news

Maraming bata ang nakatira at nagtitinda sa kalsada. Ang nakalulungkot pa rito, nananatili sila dito hanggang sumapit ang gabi sa kadahilanang wala silang ibang pupuntahan.

 

Kamakailan lang, ibinahagi ng mag-asawang sina Honney RJ at Onnie Balasabas na nilapitan sila ng isang magandang batang babae na nagtitinda ng sampaguita habang sila ay na-traffic. Ayon pa sa Facebook post ni Honney, napag-alaman niya sa kanyang asawa na madalas maglako ang bata na inaabot pa ng hanggang alas-onse ng gabi.

Dahil sa maganda nga ang bata, kinuhanan siya ng litrato ni Honney. Tinanggihan naman ng bata ang alok ni Onnie na bayad sa sampaguita at ilalako niya pa raw ito sa iba pang mga motorista. Ipinaliwanag din niya na gusto na niyang umuwi.

Hinangaan ni Onnie ang bata, ngunit nag-aalala rin siya sa pagtitinda nito na inaabot pa ng hanggang gabi. Sa taglay na kagandahan, nangangamba si Honney na baka may mga taong manamantala sa bata o kaya naman ay dalhin ito sa kung saan upang pagkakitaan ang kanyang ganda.

Sa kanya pa ring post, ibinahagi pa ni Honney na nakita ulit nila ang bata pagkalipas ng ilang araw. Ngumiti ang bata ng kunan niya ito ng litrato at panalangin ng mag-asawa na nawa’y maging ligtas ang bata sa kanyang pagtitinda sa kalsada.