MAKAKATANGGAP PARIN NG AYUDA ANG MGA HINDI NAKAREHISTRO SA RELIEF AGAD APP

News
Bagamat hinihikayat ang lahat na magrehistro sa Relief Agad upang mas mapabilis ang pagbibigay ng ayuda, ang mga hindi nakarehistro ay maari pa ring makatatanggap ng second tranche kung ito ay kalipikado base sa gagawing balidasyon ng ahensya. Ang DSWD sa tulong ng AFP at PNP ay magkakaroon ng alintuntunin para sa ibang pang pamamaraan sa pamimigay ng ayuda.
Ang ReliefAgad ay isang website at mobile application na bahagi ng tugon o inisyatibo ng pamahalaan upang mas mapabuti at mapabilis ang implementasyon ng Social Amelioration Program (SAP) sa ilalim ng DSWD.
Maliban dito, ang ReliefAgad App ay mayroong interface sa iba’t ibang electronic payment systems na maaring magamit sa pangalawang bahagi ng pamimigay ng ayuda alinsunod sa alintuntunin ng programa at opisyal na kasulatan na ilalabas ng Pangulo patungkol sa nasabing pangalawang bahagi ng ayuda.
Layunin din ng ReliefAgad na maiparating sa mga kwalipikadong benepisyaryo ang ayuda sa pinaka mabilis at pinakaligtas na pamamaraan sa pamamagitan ng e-wallet account na tulad ng GCash o PayMaya, o alinman sa 58 bangkong kasapi ng PESONET.
Once completed, your registration will be uploaded to the centralized DSWD SAP database where’s pending for assessment. All applications will be assessed for validity and identify the beneficiaries from the database. Validated beneficiaries may claim their assistance in the form of cash or digital currency from mobile money wallets and bank accounts.