MALACANANG , Nababagalan na rin sa Distribusiyon ng SAP

News

Nababagalan ang malacanang sa distibusiyon ng SAP,Binigyan and DSWD hanggang katapusan ng hulyo para tapusin ang mamamahagi ng ayuda.

Sa kabila ng mga daing na marami pa ring pamilya ang hindi nakakatanggap ng ayuda, siniguro ng Malacanang na hindi mahahalintulad sa Yolanda ang kahahantungan ng pondong inilaan ng pamahalaan para sa financial assistance.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malinaw ang babala ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga nagtatangkang gumawa ng korapsyon kung kaya’t mananagot ang mga mapapatunayang nagsasamantala sa financial assistance fund ng pamahalaan na para sa mga mahihirap at nangangailangang Pilipino ngayong panahon ng pandemic.

Ayun sa DSWD Naging epektibong mekanismo sa mabilis na pamamahagi ang maayos na pagpaplano at koordinasyon ng mga LGUs sa DSWD Field Offices. Bukod sa ipinatupad na magkakasabay na iskedyul ng payouts sa kanilang mga nasasakupang barangay, sinigurado rin ng mga opisyal ng barangay ang pagkakaroon ng maayos na pamamahagi sa pamamagitan ng pagtatakda ng iskedyul at oras ng pagdating ng mga tatanggap ng ayuda. Upang matiyak na nasusunod ang social distancing, ang mga upuan ay inihanda at isinaayos nang may angkop na agwat sa bawat isa.

Sa hanay naman ng mga namamahagi ng ayuda, tiniyak ng mga LGUs na sapat ang mga payment officers sa lugar ng mga payouts. Gayundin, ang halagang iaabot sa mga benepisyaryong tatanggap ay naihanda na, kung kaya mas naging mabilis ang pamamahaging isinagawa. Paglapit ng benepisyaryo ay muli lamang niya itong bibilangin nang mabilisan upang matiyak na sapat ang halagang matatanggap, matapos ay papipirmahin sa listahan bilang katunayan na natanggap na ang ayuda.

Naging kasanayan naman sa ibang lugar ang pagkuha ng litrato sa mga benepisyaryo habang tinatanggap ang kanilang ayuda.