Matandang Hinahanap ang Kanyang Kamag-Anak, Sumasakit na ang Tiyan sa Gutom

Local, ofw news

Mahirap ang mamuhay sa lansangan lalo na kung ikaw ay mag-isa lamang. Marami na ang kumakalat sa online na matatandang nagiging palaboy na lamang sa kalye. Isa na lamang dito ang ibinahagi sa facebook ni ibinahagi sa facebook ni Princess Real noong Marso 6, 2021. noong Marso 6, 2021.

Isang matanda ang nagngangalang Arnold Reyes na 62-taong gulang at residente ng San Jose Del Monte. Nakita ng concerned netizen na si Princess Real ang matanda na tila nananakit ang sikmura dahil siguro sa wala itong makain. Napadpad umano ang matanda sa Binangonan dahil may hinahanap itong tao na nagngangalang Rosenda Reyes. Hindi tiyak ni Princess Real kung kaano-ano ito ng matanda

Lubusan ang pagkaawa ni Princess sa matanda dahil naiiyak daw umano ang matanda habang hawak hawak ang kanyang tiyan dahil ito ay nagugutom na. Narito naman ang kabuuang post ni Princess para sa mga nais tumulong.

ibinahagi sa facebook ni Princess Real noong Marso 6, 2021.

“Hello po pa share naman po may nadaanan po kami na matanda sa Binangonan Bayan nasa pay toilet po sya nakatambay sa labas malapit sa pritil kinausap po nya ang partner ko at tila masakit ang tyan nya. sya po si ARNOLD REYES 62yrs.old taga san jose del monte daw po sya di namin sure kung sa bulacan and kaya po sya napadpad ng Binangonan dahil may hinahanap daw po syang ROSENDA REYES kamag anak daw po nya yun di po namin natanung kung anak nya.at nanakawan din po sya ng pera kaya wala syang pambili ni pagkain man lang kanina nakakaawa po kasi naiiyak na sya habang hawak ang tyan nya na tila masakit. kawawa po si tatay tulungan po natin sya eto lang kaya namin gawin tay sana may makakilala po sa inyo pa tulong din sa mga friend ko sa fb pls.. sobrang nakakaawa po sya. pag may nakakilala po sana pakihanap nalang po sya sa bayan pritil baka sakali nandun lang po sya baka di sya umaalis dun or lalayo dun salamat po”

Please helpĀ ???

Raffy Tulfo in Action