Matandang Lalaki, Hindi na Makatayo at Makapagsalita, Hirap na Pati sa Pagkain at Pag-inom! Sana matulungan si Lolo

Local, ofw news

Kumalat sa Social Media ang larawan ng isang matandang lalaki na nangangailangan ng tulong. Si Clrarisse Joy Odtuan, isang concerned netizen, ang nabahagi ng larawan ng matandang lalaki nitong Marso 29.

Pinananawagan niya kung mayroong nakakakilala kay Tatay Roberto Baranda, 69-taong gulang. Hinid na umano makatyo at makapagsalita si Tatay Roberto. Maging sa pagkain at pag-inom manlang ng tubig ay hirap na din siya.

Baka may nakakilala po kay Tatay Roberto Baranda. Hindi na po sya nakakatayo at nakakapagsalita simula kagabi. Pati pagkain at pag inom ng tubig ay hirap na sya.”

Ayon sa mga taong tumutulong kay Tatay Roberto, gusto na umano niyang makauwi sa Bulakan, Bulacan upang makasama na niya ang kanyang anak.

“Ayon po sa mga taong tumutulong tulong kay tatay, gusto raw po ni tatay na makauwi sa bulacan, bulacan para makasama ang kanyang anak. Kasalukuyan syang nakapwesto sa may labas victor ortega-kalentong, Mandaluyong City (katapat ng Market Place). Nawa’y may makatulong po kay tatay. Nangangailangan po sya ng atensyon medikal sa kanyang kalagayan ngayon. Maraming salamat po sa mga taong magbubukas palad upang tulungan si tatay.”

Base naman sa komento, nasagip na umano ang buhay ni Tatay Roberto. “Update po kay tatay roberto. Si tatay po ay narescue na kahapon ng bandang 4pm ng CSWD. Maraming salamat po Councilor Charisse Marie Abalos-Vargasat CSWD sa pagtulong.”

Sana makita na siya ng mga anak nya.in Jesus name.we pray for u tatay.