Matapos iwan ng boyfriend, Single Mom nag transform!

Local, ofw news

Tunay nga naman na kapag tayo ay nakakarinig ng panlalait o pang iinsulto mula sa ating kapwa, patungkol sa ating pisikal na “appearance”, ay napapa-isip tayo na magkaroon ng pagbabago, o mas-i-improve pa ang ating mga sarili upang tayo’y hindi na muling makaranas pa ng pangmamaliit o panglalait.

At ganito nga ang ginawa ng isang single mother mula sa bansang Vietnam, na dahil sa mga pangmamaliit at panglalait na naranasan niya sa kanyang kapwa at taong kanyang minahal ay pinili niya na baguhin ang kanyang sarili, at nag-under go sa pagpa-plastic surgery.

Ayon nga sa ulat, naniniwala ang single mother na ito, na kapag nabago na niya ang kanyang pisikal na hitsura, ay mas magiging maayos na ang trato sa kanya ng ibang tao, at mas gagaan na ang kanyang buhay.

Kinilala ang single mother na ito na si Huyen, 28-taong gulang, at mula sa Ho Chi Minh City, sa bansang Vietnam. Kung saan ayon sa Facebook post niya, ay napakarami niyang naranasang panlalait at pangmamaliit sa kanyang buhay, at ang dahilan nga nito ay dahil sa kanyang pisikal na “appearance”.

Base nga sa pagbabahagi ni Huyen, madalas siyang pagtawanan at laiitin ng mga tao noon, dahil sa kanyang “single eyelids” at pakakaroon niya ng “slightly tanned skin tone.”

Mas naging pursigido pa nga si Huyen na baguhin ang sarili, ng siya ay iwanan ng kanyang boyfriend, matapos pigilan ng pamilya nito ang pagpapakasal sa kanya, sa kabila ng pagkakaroon na nilang dalawa ng anak.

Samantala, upang makapagtrabaho, ay iniwan ni Huyen ang kanyang anak, sa kanyang ina, upang ito ang mag-alaga at magpalaki dito, habang siya ay naghahanap-buhay. At ito ay binibisita lamang niya sa tuwing “weekend”, kapag siya ay walang pasok sa trabaho.

Matapos nga ang tatlong taon, na pagtatrabaho, ay nakapag-ipon na si Huyen, kaya naman siya’y nagdesisyon na mag-undergo ng plastic surger, kung saan ay gumastos siya sa operasyon niyang ito ng halos 100,000,000 dongs, o Php 224, 579.

“Since I wasn’t in the best financial situation, I had to start working without much rest after the surgeries.
“On the third day after my chest augmentation procedure, I had to endure the pain and go to work. That was the most painful time in my life.”

At ngayon nga, ay makikita na sa mga larawan ni Huyen, na malayong malayo na ang kanyang hitsura ngayon kaysa, noon. At ang pananaw niya sa buhay, ay mas maganda na, dahil sa mas “confident” na siya na harapin ang buhay, ng walang anumang maririnig na pangmamaliit o panglalait mula sa ibang tao.