Mayor Isko Moreno, Binili Ang P100,000 Na Order Ng Parol Na Hindi Kinuha Ng Buyer

Local, ofw news

Mayor Isko Moreno, Binili Ang P100,000 Na Order Ng Parol Na Hindi Kinuha Ng Buyer

Muli na namang gumawa ng ingay sa social media at nakatanggap ng mga papuri mula sa netizens online si Manila City Mayor Isko Moreno matapos nitong tulungan ang isang parol maker na naging viral sa social media nito lamang.

Matatandaan na naging trending si Maximo Simon o mas kilala bilang si Tatay Lakay Junior matapos ibunyag ng kaniyang asawa na si Arlene Simon sa isang post noong Miyerkules lamang, Disyempre 16, 2020, na ang buyer na nagpagawa ng mga parol sa kaniya ay bigla na lamang kinansela ang order nito na nagkakahalaga ng P100,000. Sinabi pa ni Arlene na na-baon na naman ang kaniyang asawa sa utang dahil sa laki ng pera na inilabas nito sa paggawa ng parol na kinansela naman ng buyer nito.

May isa pa ngang larawan sa Facebook kung saan makikita si Tatay Lakay Junior na naging emosyonal at umiiyak dahil sa nangyari sa kaniya.

Ani Arlene sa kaniyang post,

“Di na kukunin yan ng buyer sayang 100k lahat ng bayad yan paano na ako baon nanaman ako sa utang.”

Dagdag pa niya,

“Diko mapigilan umiyak.”

Ang nasabing post ay kaagad naman naging viral sa social media at umani ng mahigit na 37,000 shares at 205k reactions.

Matapos ngang maging viral ng nasabing post, hindi naman nagdalawang isip si Mayor Isko na bilhin lahat ng mga parol mula sa nasabing parol maker noong Biyernes.

Sa isang post ng asawa ni Tatay Lakay Junior, ibinahagi niya ang larawan kung saan makikita ang mga produkto ng kaniyang asawa na dinadala na ng mga staff ni Mayor Isko.

Labis din ang pasasalamat ni Arlene at ni Tatay Lakay para kay Mayor Isko.

Aniya,

“Maraming salamat po mayor!”

Ang pasasalamat na post naman ng asawa ng naturang parol maker ay umani na ng mahigit na 194K reactions at 50,000 shares. Nakatanggap din ng papuri si Mayor Isko mula sa online community dahil sa kabutihang loob na ipinakita nito para sa parol maker.

Mga komento ng mga Netizen para sa kabutihan  ni Mayor Isko Moreno .

Yan may pusong totoo alm nya piling ng mahhirp… Sna dumami p kgya ni yorme godbless????????

Proud ako sa iyo idol pag dating sa mga mahirap andiyan ka para andang tumulong Lord ng bahala sa lahat sa iyong kabutihan

Sana mayor ikw nlng ang susunod na maging president ng pilipinas mabuhay ka mayor I love you mayor i so proud of you and god always protect you..

Nag mula sa Mahirap hanggang ngayon tumulong sa mahihirap na gaya namin gud luck po Mayor isko moreno naway pag palain pa kayo ng nasa taas alam at alam ng lahat na mas malayo pa po ang mararating niyo sa buhay at gampanan ang tungkulin makapag lingkod sa bayan god bless YOrMe…