Nanawagan At Humihingi Ng Tulong ang Isang Netizen Para Sa Pamilyang Nakatira Sa Barong-Barong Na Bahay At Walang Makain.

Local, ofw news

Likas na matulungin at maawain ang mga Pinoy kung kaya’t marami ang nahabag sa naging kalagayan ng pamilyang ito, na halatang sobrang kapos sa kanilang pamumuhay.

Ayon pa sa salaysay, tanging saging na lamang ang kanilang kinakain para lamang magkalaman ang kanilang gutom na tiyan, maliban sa wala silang makaing bigas at ulam, nakakaawa rin ang sitwasyon ng kanilang barong-barong na tinutuluyan.

 

Paano kaya ang kanilang kalagayan kapag sila ay inabutan ng malalakas na bagyo at ganyan pa kaliit ng mga bata??. Kaya sa sobrang awa ay ibinahagi ng netizen na si Nhe Phe Jhoy sa kaniyang Facebook account ang nakakaawang kalagayan ngayon ng isang pamilya na hinihiling niya na makatanggap ng tulong mula sa mga may mabubuting loob. Ayon sa kaniya, ang pamilya daw ay mula sa Purok 4, Dagatan Guipos, Zamboanga del Sur.

Ang mag-asawa ay nakilala sa pangalan na Vicente Bebuso at Maarina Pesay. Sila ay mayroong tatlong anak na lalaki. Tanging saging “bunsalo” lamang daw ang kinakain ng pamilya dahil wala silang bigas na mailuluto at pera na maipambibili ng kanilang pagkain.

Lumalapit na daw ang mag-asawa sa kanilang mga kapitbahay para magkaroon ng bigas kapalit marahil ng kanilang serbisyo o saging sa tuwing sila ay gutom na gutom na at umiiyak na ang kanilang mga anak dahil dito. Bukod sa pagkain, wala ding pambili kahit na sabon ang pamilya kaya nilalabhan na lamang daw nila ang mga damit nang hindi na ginagamitan ng sabon.

Sa mga larawan na ibinahagi ng netizen, makikita na sa isang maliit na barung-barong lamang nakatira ang pamilya kung saan gawa sa kawayan ang kanilang dingding at sahig. Madali ding pasukin ng lamig at tubig ang kanilang tinitirhan dahil sa hindi pagkakapantay ng sukat ng mga kahoy. Kaya naman sa tuwing umuulan ay nagkukumpol ang pamilya sa gitna.ng ama walang permanenteng trabaho. Siya ay kumikita lamang ng pera sa tuwing may ipapagawa sa kaniya.

 

Nag-abot naman ng kaunting tulong ang netizen sa pamilya nang sa gayon ay mayroon silang makain. Binigyan din niya ito ng noodles at bigas. Ngunit, alam niya na hindi pa din sapat ang mga iyon kaya naman nananawagan siya sa mga nais tumulong na makipag-ugnayan lamang sa kaniya sa numero na 09381708835.

Samantala, sa comments section naman ng nasabing post, isang magandang balita ang inihatid ng isang netizen. Ayon kay Mercy Zita, kinuha na umano ang pamilya ng kapatid na babae at dinala na ang mga ito sa Pagadian City. Doon muna sila mamalagi pansamantala habang nag-iipon pa ng pondo para sa mga nais tumulong at magtatayo sila ng mas komportableng bahay.