Nanay na binubuhay ang anak, apo sa P25 na kita sa pagbebenta ng barbeque stick, nakatanggap ng tulong

Local, ofw news

Isang kapitbahay ang nagmalasakit na ibahagi ang kanilang kalagayan sa social media at naging daan iyon upang sila ay matulungan

Ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak at mga apo sa Misamis Oriental ay higit pa sa kanyang sarili. Kahit na nagkakaedad na, pilit pa rin itong kumakayod mairaos lang ang hirap ng buhay araw-araw.

Yan ang kuwento ni Cornelia Sagumhay, 63 taong gulang. Kasama niya ang anak niyang may problema sa pag-iisip. Ang masakit pa, nabuntis ito ng hindi nila kilala kung sino. Kaya ang anak nito ay kasamang binubuhay ni Nanay Cornelia.

Si nanay ang gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay gaya ng paghuhugas ng plato, pagluluto at pati na pag-iigib ng tubig. Mahirap ang naging kalagayan nila dahil ang alam niya lang na hanapbuhay ay ang paggawa at pagbebenta ng babarbeque stick kung saan kumikita lamang siya ng P5 kada 100 piraso. At dahil 500 piraso lang ang nagagawa ni nanay sa isang araw, P25 lamang ang kanyang naiuuwi. Binibili niya ‘yon ng bigas na mais.

Mabuti na lang at may nagbibigay din sa kanila ng bigas na dalawang kilo. Yon ang pinapakain niya sa kanyang apo at pinapaulaman niya lang ng asukal.

May be an image of 1 person

Nais niya raw magkaroon ng kumportableng matitirhan. Hindi na raw niya alam kung ano ang gagawin dahil matanda na raw siya. Mas nanaisin pa raw niya na mawala na lang sila upang may titirhan na sila sa sementeryo.

Ang kanyang kuwento ay ibinahagi sa social media ni Marilou Mendoza Labanes na kanilang kapitbahay at agad namang nagpaabot ng tulong ang mga naantig sa kanila. Pinuntahan sila ng CSWDO ng Ginoog City. Ayon sa nagkumentong si Renan Kate Sabacajan Espinosa, hindi naman daw pinapabayaan ng gobyerno si nanay dahil may natatanggap siyang social pension at kasama sila sa SAP. Kada dalawang buwan, binibigyan din sila ng supply dahil kabilang sila sa programang food assistance sa Brgy. Bal-ason.

May be an image of one or more people

Naging daan din si Marilou upang maipaabot ang pinansyal na tulong ng iba. Pinambili niya iyon ng groceries at iba pang mahahalagang pangangailangan nila nanay, kanyang anak at apo.

Ang iba naman ay personal na pumunta sa mag-ina upang maghatid ng tulong.

Ang boung post ni MARILOU MENDOZA LABANES

May be an image of 1 person and text that says '4G 6:27 Data Mode 4G1 39 Go to Free Marilou Mendoza Labanes Marilou Mendoza Labanes Si nanay Ang mag-isang nag-aalaga ng KANYANG ANAK NA BALIW na binuntis ng Hindi pa nakikilala Kung sino, siya Ang nag- aalaga sa anak at Apo Niya siya Ang nag- iigib ng tubig, maghugas ng mga pinggan, mag saing at higit sa lahat Ang maghahanap buhay para mabuhay silang tatlo... See More You, Sharice Cabeltes and 1.4K others 1K 2K 2K'

Sana ay dumami ang kagaya ni Marilou na ginamit ang social media upang matugunan ang kalagayan ng mag-ina. At dahil marami ang nagmalasakit kahit ngayon na may pandemya, sana’y hindi mawalan ng pag-asa si Nanay Cornelia na magpatuloy na kumayod para sa kanila.