Pag-iibigan ng isang Engineer at Tricycle Driver, umantig sa puso ng mga netizen

Local, ofw news

Viral sa social media ang pag-iibigan ng isang engineer at isang tricycle driver kung saan ay ibinahagi ng mga ito ang kwento ng kanilang pag-ibig sa Facebook.

Kaagad kumalat ang kwento at mga larawan ng dalawang magkasintahan na si Jr at Mary Rose marahil ay marami ang naantig sa kanilang pag-iibigan dahil magkalayo ang antas ng kanilang propesyon.

Ayon sa post ni Mary Rose, marahil ay hindi umano ideal ang kanilang love story dahil isa siyang Engineer at ang kanyang kasintahan ay tricycle driver, ngunit kahit kelan daw ay hindi nila pinag-awayan ang kanilang propesyon.

“Maaring hindi ideal ang aming lovestory. Engineer ako, tricycle driver sya. Pero never naming pinag awayan yung mga propesyon namin.” ayon sa post ni Mary Rose.

Ayon kay Mary Rose, hindi naman kasi lahat ng kailangan mong materyal na bagay ay iaasa mo sa iyong asawa, dahil maaari namang pagtulungan niyong dalawa kung ano man ang pangarap ng bawat isa.

“Hindi lahat ng kailangan mo, iaasa mo sa magiging asawa mo. Pwede niyo pagtulungan kung anuman ang pangarap ng bawat isa sainyo.” pagbabahagi ni Mary Rose.

Basahin sa ibaba ang buong Facebook post ni Mary Rose:

“Maaring hindi ideal ang aming lovestory.

“Engineer ako, tricycle driver sya.

“Pero never naming pinag awayan yung mga propesyon namin.

“Pwedeng tumaas ang kilay ng iba pag nalaman nila kung ano trabaho niya, pero who cares mamsh? Hahaha.

“Hindi lahat ng kailangan mo, iaasa mo sa magiging asawa mo.

“Pwede niyo pagtulungan kung anuman ang pangarap ng bawat isa sainyo.

“Pagkalipas ng labing apat na taon, ito na. Malapit na.

“Without the engineer’s hard hat and tricycle driver’s vest, pantay lang tayo.


“Mula noon hanggang ngayon, sa lahat ng pagbagsak at pag angat ko sa buhay, naniwala ka saakin at sa kakayahan ko. Hindi ka sumuko. Hindi tayo sumuko. Alam lahat ng kaibigan ko kung gaano ako kaswerteng ikaw ang ka “me and my jowa ko”

“Wala tayong dapat patunayan sa ibang tao. Gusto ko lang ipagmalaki kung gaano tayo napatatag ng labing apat na taon.

“Mahal kita lam.

Larawan mula kay Mary Rose Vargas