PINOY SURFER, KINASAL SA MAGANDANG DAYUHAN!

Local, ofw news

Ang pagiging gwapo o maganda ay nagiging batayan na kung minsan ng karamihan upang makahanap ng tunay na pag ibig. Ngunit may iba naman na hindi tumitingin sa panlabas na anyo dahil ang mahalaga sa kanila ay kung ano ang nasa loob ng puso nito.

Nararapat lamang na ang pag ibig ay walang pinililing hugis, sukat o kulay dahil para sa mga taong totoong pagmamahalan hindi ito mahalaga.

Viral sa social media ang isang professional na pinoy surfer na si John Mark Tokong matapos na ikasal siya sa isang magandang dayuhan na si Danni Hughes.

Ibinahagi ng dalawa sa kanilang instagram account ang larawan ng kanilang kasal na tila may temang garden wedding.

Marami ang namangha sa relasyon ng dalawa ito ay dahil narin sa pagkakaiba ng kanilang lahi, kulay at taas.

Sa kanilang ibinahaging mga larawan ay mapapansin na kasama din ang kanilang napaka-cute na anak na si Olive na tila kumbinasyon ng mukha ng dalawang magkasintahan.

Noong nakaraang taon ay pinatunayan ni John Mark ang kanyang angkin na husay sa pagsu-surfing kung saan ay nanalo siya sa isang patimpalak na tinawag na 25th Siargao Cloud 9 International Surfing Cup.

Dahil sa pagiging aktibo sa pagpapahayag sa pagmamahal sa surfing lalo na sa kanyang pamilya, dumami ang taga hanga ni Mark sa social media.

Malinaw sa dalawang nagmamahalang ito na hindi hadlang ang itsura o katuyan sa buhay upang magkaroon ng wagas na pag ibig dahil ang mas importante parin sa lahat ay kung ano ang nilalaman ng iyong puso at kung paano ka respetuhin at mahalin ng taong napiling mong makasama habang buhay.