Pulis Ifugao, kinupkop ang 90yrs old na Lolang mag-isa sa buhay at walang makakain

Local, ofw news

Gaano mo ba kamahal ang mga magulang o mga kapamilya mo?

Isa sa mga pinakamasakit na pangyayari at patuloy na nangyayari ngayon sa lipunan ay ang pag aabandona ng mga iilang walang pusong mga anak at kapamilya sa kanilang mga magulang. Hinahayaan nalang mag-isa sa buhay ng walang nag aalaga.

Tila hindi batid ng iilang mga Anak, ang hindi matutumbasan ng kahit ano mang halaga ng pera o ng mga bagay, ang hindi na mabilang na mga pagsasakripisyo at paghihirap ng kanilang mga magulang upang mapalaki lang sila ng maayos, ay nagagawa padin nilang hayaan nalang ang kanilang magulang.

Kahit pa man sa kasamaan ng iba, may mga mabubuting kalooban padin ang handang tumulong at lingapin ang mga matatandang iniwan na ng pamilya.

Katulad nalang ng nakakahabag damdaming aksyon na ginawa ng isang Pulis mula sa Ifugao sa isang 90-na taong gulang na si Lola Aida Paduyao na naminuhay nalang ng mag-isa at hindi na makayanan pang maghanap ng kanyang makakain sa arawa-araw.

Ang kabutihang loob na ginawa nila kay Lola ay parte ng “Adopt a Family” program na inilunsad ng Ifugao PPO,

at patuloy na sinusuportahan ng ating mga matitikas ngunit may mga malalambot na puso para tumulong na kapulisan ng Kiangan Municipal Police Station.

Sa inilunsad na proyektong ito, nagagawa ng mga mabubuting Kapulisan ang makapag-abot ng tulong sa mga taong lubos na nangailangan, mula mismo sa kanilang mga sariling bulsa at ambag-ambag na halaga.

 

May mga iilan man na iba paring ang pagtingin sa mga kapulisan dahil narin sa ibang gumagawa ng masama na nakakasira sa kanilang hanay ay mas madami padin naman ang may mga mabubuting puso para kapwa at sa bayan.

Ang programang kinabibilangan ng mga kapulisan sa Ifugao ay pamamaran nila upang ipakita ang kanilang pagmamahal para sa mga tao at mamamayan sa Kiangan, kahit pa man ang iba sa mga kapulisan ay hindi residente ng naturang lugar

Mga komento ng mga Netizen.

sana marami pang ka2lad mo sir na my malask8 sa kapwa

wow ang galing mo sir salute sau sir sana marami k png matulungan god bless you sir

Lumalabas ang tunay na pag uugali ng mga ifugao kaya andaming highlander’s na nabibigyan ng karangalan na sa ngayun

Na kakasurog sa puso talaga karma din mapala Ng mga anak nyan,,,,Kung San man ngaun MGA anak Nyan ngaun makonsensya Naman kau at di Kayo maging masaya sa ginawa nyo SA nanay nyo.

AMEN Glory to God ur a good Samaritan ? God bless you ???