Raffy Tulfo nag banta pag na dismis ang kaso ng pulis na namaril sa Tarlac

Local, ofw news

Nakarating na sa programa ni Raffy Tulfo ang viral video ng aktwal na pamamaslang ng isang pulis sa nakaalitang mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Maging si Tulfo ay tututok din umano sa pag-usad ng kaso laban sa pulis lalo na at napag-alaman pa niyang patong-patong na pala ang kasong kinaharap nito.


Lalong nagtaka si Tulfo nang malamang karamihan sa kaso ay na-dismiss dahil umano sa kakulangan ng sapat na ebidensya.

Ayon kay Atty. Garreth Tungol ng ACT-CIS, malakas ang ebidensya na hawak ng pamilya mga biktima kaya naman babala ni Tulfo, na kung ma-dismiss pa ang bagong kaso ng pulis, tiyak na magkakagulo raw ang Pilipinas.

Maging si Raffy Tulfo ay nangakong tututok sa kasong isinampa laban kay Jonel Nuezca, ang pulis sa viral video na walang-awang pumaslang sa mag-inang sina Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.

Nalaman na marami umanong nag-tag sa Raffy Tulfo in Action dahilan upang mabigyang pansin ito ng tinaguriang “hari ng public service.”

Kinapanayam ni Tulfo ang pamilya ng biktima na sina Tasha Delos Santos at Neil Patrick Gregorio.

LOOK: Mugshots of Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, who shot at point-blank mother and son, Sonya and Frank Gregorio, in Paniqui, Tarlac on Sunday.

Photos courtesy of PRO3 ?

Posted by Philippines CCTV & DASH CAM Spotted on Monday, December 21, 2020