SAP UPDATE SA PAMAMAHAGI NG AYUDA SA NCR AUGUST 5, 2020

Featured Local News

Kasama ng DSWD ang GCash upang mapabilis ang pagbigay ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program sa mga pamilyang benepisyaryo!

MGA LUGAR NA KASAMA SA 2ND TRANCHE :

Caloocan City, Valenzuela City, Malabon City, Navotas City, Quezon City, Marikina City, San Juan City, Taguig City, Pasig City, Makati City, Pasay City, Mandaluyong City, Las Pinas City, Peteros, Paranaque City,Muntinlupa City, Manila

August 5, 2020- Buong galak na ipinagbibigay alam ng Department of Social Welfare and Development РNational Capital Region (DSWD-NCR) na naka-99.82% o 215,929 na mga sambahayan na mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Kalakhang Maynila ang nakatanggap na ng kanilang ikalawang bahagi (2nd Tranche) ng Emergency Cash Subsidy mula sa Social Amelioration Programs (SAPs) ng Pamahalaang Nasyonal mula sa inaasahang 216,309 na makakatanggap na mga sambahayan na miyembro ng nasabing Programa.

Ayon sa DSWD Patuloy pa rin ang koordinasyon sa Lokal na Pamahalaan sa NCR, DSWD Central Office at mga Financial Service Providers upang lahat ng Lungsod at Munisipalidad sa Kalakhang Maynila ay maabutan ng Serbisyong May Malasakit

Patuloy po ang paghahatid ng tapat at serbisyong may malasakit ng Kagawaran lalo na sa panahong ito ng krisis dulot ng pandemyamg sakit na COVID-19. Kaisa ang Kagawaran sa paghihilom ng samabayanang Pilipino.

Kasabay ng pagpapatuloy ng implementasyon ng Emergency Subsidy Program – Social Amelioration Program (ESP-SAP), tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaabot ng ayuda para sa ating mga Senior Citizens sa pamamagitan ng Social Pension for Indigent Senior Citizens Program.