Si Ate, Pinag kamalang Ice Cream ang Matigas na Mantika!

Local, ofw news

Aliw na aliw ang maraming netizens sa post ni Kristine Mae Asi tungkol sa mantikang inakala niyang ice cream.

Nalaman na noche buena pa naman at excited na raw si Kristine na kumain ng ice cream subalit nang maisubo na niya ito, lasa raw itong chicharon.

“Yung excited na excited ako mangain ng ice cream pero isang subo ko pa lang nagtaka agad ako kung bakit lasang chicharon!” ang bahagi ng post ni Kristine.

Nilagay lamang pala umano ang mantika ng baboy sa ice cream tub na at ito ay nasa freezer. Nang tumigas, mukha nga naman itong vanila ice cream.

“Kung sino man naglagay ng mantik ng baboy sa lagayan ng ice cream, wag mo muna akong kausapin!” dagdag pa ni Kristine sa kanya na ngayong viral post.

Nakuha pa umano nitong mag-selfie at maluha-luha siya sa pagkadismaya.

 

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na naaliw sa viral post ni Kristine habang ang iba ay naka-relate sa kanya at minsan naring nabiktima ng mantikang nagmukhang ice cream.

“Saklap besh! yung umay ka na sa mga kinain mo at gusto mo matamis sabay mantika ng baboy pala yung akala mo ice cream”

“E mukha nga namang ice cream, sakto fruit salad flavor pa yung lagayan”

“Kung ang container sana e chocolate label, medyo mawawarningan si ate kaso tugma pa e!”

“Aliw to, mas magandang pangbiktima ang oil kaysa sa isda”

“Yung inakala mong dessert parte pa pala ng putahe niyo”

“Nakakaluha nga yung ganyan, baka mamamatay na sa kakatawa yung naglagay ng mantika sa freezer nila”