Tatlong Bata, Lumayas sa Kanilang Tiyahin. Please share para mahanap sila!

Local, ofw news

Tatlong magkakapstid ang hinahanap ang kanilang matapos nilang umalis sa kanilang tiyahin sa hindi malamang dahilan.

Ayon sa nagpost na si Jay R Rosanes, pinara umano siya ng mga bata sa Golden horizon Brgy Hugo Perez Trece Martires Cavite at gustong sumabay papuntang pasay.

Ayon sa mga bata ay pupuntahan nila ang kanilang ina sa Pasay ngunit hindi nila alam ang eksaktong lugar.

Umalis umano ang mga bata sa mangangalaga ng kanilang tiyahin at hindi na sinabi ng batang babae ang dahilan ang namumugto na lamang ang mga mata nito.

Gusto umanong ihatid ni Rosanes ang mga bata sa tiyahin nito ngunit ayaw umanong ituro ng mga bata kung saan kaya dinala niya na lamang ang mga ito sa Police Station.

Narito ang kabuuang post ni Jay R Rosanes sa kanyang Fb account,

Baka po may nakaka kilala sa tatlong bata na to , nakita ko sila sa Golden horizon Brgy Hugo Perez Trece Martires Cavite.

Pinara nila ako at nakiusap na sasabay sa sakayan ng bus papuntang Pasay at pupuntahan daw ang kanilang nanay na hindi din nila alam kung saan. Umalis daw sila sa tita nila sa hindi ko alam na dahilan dahil ayaw na daw nila don, tinanong ko kung bakit pero ayaw magsalita at namumugto lang ang luha ng batang babae na makikita sa pic pero sumagot yung batang lalake na pinapalo daw sila.

Sinubukan ko din na ihatid sila sa tita nila pero ayaw nila ituro ang daan kaya dinala ko sila sa POLICE STATION sa CONCHU at tinurn over ko kay Police officer Reyes . Kawawa naman yung mga bata magpapasko pa naman