Tindang Isda ng isang Lalaki, Tinumba ng Lasing na Pulis

Local, ofw news

Isang may kapansanan sa pagsasalita ang nagtitinda ng isda ang napag-tripan ng isang lasing na Pulis matapos nitong itumba at ikalat sa kalsada ang mga tindang isda nito.

Ayon sa nagpost na si Olive Abiera ay mayabang talaga umano ang Pulis na iyon kapag nakakainom.

Natulala na lang ang lalaki habang tinutumba at kinakalat ng pulis ang kanyang mga panidang isda dahil wala siyang magawa dahil sa Pulis nga at wala umano itong laban.

Naghahanapbuhay ng maayos ang lalaki kahit may kapansanan ngunit may mga tao talagang ginagamit ang kanilang katungkulan upang mang-hamak ng ibang tao.

Ito ang kabuuang Post ni Olive Abiera,

Eto po yung may kapansanan na nagtitinda ng mga isda sa palengke, yung pulis na lasing tinumba at ikinalat sa kalsada ang paninda nya, mayabang pag nakainom ang tao na yun hindi man lang naawa sa taong hindi nagkapagsasalita, kinakaya-kaya nya lang yung taong may kakulangan porket kumpleto sya.. paki Share na lang po para matulungan natin sya..