Tricycle Driver, Napagtapos ang Apat niyang Anak sa Pag-aaral

Local, ofw news

Matatandaang nag-viral ang isang pamilyang ito nang naging topic sila sa isang Facebook page na Peso Sense na kung saan ibinahagi nila ang kuwento sa likod ng kanilang success na napagtapos sila ng parents nila at ngayon ay pinagawan nila ito ng mansion. Dahil sa magandang pagpapalaki ng mga magulang na ito sa kanilang mga anak at naipaintindi nila ang kanilang mga sakripisyo ay nagbunga lahat ng pagsusumikap ng mga magulang na ito at napagtapos nila ang kanilang mga anak.

isang kilalang Tiktok influencer na si Buknoy Glamurrr na kung saan minaliit ang mga tricycle drivers sa kanyang vlog, maraming netizens ang na-triggerd sa napaka insensitive na ginawa ni Buknoy na kung saan ininsulto pa niya ang inosenteng tricycle driver na dumaan lamang at namamasada para may ipakain sa pamilya, may maibigay na tuition sa school ng mga anak o may maibigay na baon sa mga anak.

Ito ang kinuwento ng isa sa mga magkakapatid sa page na Peso Sense:

“Share ko lang po ?????? Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakikiboundary lang din, walang sariling tricycle). Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan). Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tyaga, ayun lang ang maiiuwing pera. Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar.

Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Electrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).”